Si Alicia Vergel ay mas kilala ngayon bilang ina ng original bad boy of Philippine movies na si Ace Vergel at ng magaling na aktres na si Beverly Vergel.
Ngunit alam ba ninyong noong kanyang kapanahunan bilang artista ay mas sikat pa siya sa kanyang mga anak?
Isinilang siya noong June 7, 1927 sa Ermita, Manila at ang tunay niyang pangalan ay Erlinda Gaerlan Asturias.
Kadalasang amasona o babaeng mandirigma ang ginagampanan niyang roles — sa kanya marahil nagmana si Ace na ayon sa aking research ay naging napakahusay na action star
Ngunit dahil bawal ang pangit na artista noong araw, at bawal din ang maitim, talaga namang hindi magpapatalbog sa kagandahan ang hugis-pusong mukha ni Alicia Vergel.
Nagpakasal siya sa kanyang leading man sa Sampaguita Pictures na si Cesar Ramirez at nagkaroon sila ng tatlong anak — sina Beverly, Ace at Mike. At alam naman nating naging sikat na artista rin sina Beverly at Ace, kahit sa totoo lang ay hindi ko rin sila inabutan dahil Generation Z po ako na isinilang noong 2004.
Hindi ko na-research kung bakit Vergel ang ginamit na screen name nina Ace at Beverly dahil screen name din lang ito ng kanilang ina. Pwede ring Ramirez galing naman sa screen name ng kanilang ama!
Naisip ko lang, baka mas sikat si Alicia kesa kanyang asawa. Siguro nga.
Leanne Martin