ALIN ANG NAUNA, ITLOG O MANOK?

Bata pa lang ako, tanong na yan. Tumanda na nga ako yan pa rin?

Pinagdedebatihan, pinagtatalunan, pero laging natatapos na walang kasagutan.

Hindi na ngayon! May sagot na tayo.

Para maresolba ito, kailangan nating bumalik sa kasaysayan at sa simula ng ebolusyon — ng manok.

Kadalasan, itlog ang simula ng mga hayop, kasama na po ang tao. Hindi ba nagsisimula tayo sa eggcell na ipe-fertilize ng sperm?

Technically, lalagyan lamang ang itlog kung saan nade-develop ang embryo para maging sisiw o sanggol.

Saka na nga muna ang human development para makapag-concentrate tayo sa manok!

Sa madaling sabi, unang lumabas sa evolution ang mga amniotes many millions of years ago. Bago pa nagkaroon ng amniotes, halos lahat ng hayop ay nagmumula sa tubig. Doon sila nangingitlog para hindi mamatay ang mga anak nila sa kawalan ng tubig.

At some point, may bago pang klase ng itlog na may tatlong membranes: ang chorion, amnion, at allantois, na nag-evolve.

Bawat membrane ay may specific na gamit, ngunit sa huli, ang purpose talaga nila ay balutin ang embyo bilang all-in-one life support system. Ito yung tumutulong para makapag-imbak ng nutrients, walisin ang mga waste products, at palakihin sila para magkaroon sila ng sapat na lakas at kakayahang mangitlog sa lupa.

Sigauro naman ay malinaw na ang lahat. Itlog ang nauna. Okay?

Dahil may itlog, nagkaroon na rin ng manok. Ang manok daw ay resulta ng genetic mutation ng zygote mula sa dalawang proto-chickens. Nagtalik ang dakawang proto-chickens at nagsama ang kanilang DNA para makabuo ng unang cell ng kauna-unahang manok.

Sa prosesong ito, nagkaroon ng genetic mutations sa initial cell, na naulit pa sa bawat lumalagong cell, habang ang chicken embryo ay nade-develop at nagresulta nga sa unang manok.

Ayon sa pag-aaral, naganap ito about 340 million years ago at ang unang chicken naman ay tumahan sa mundo 58,000 years ago.

RLVN