ALJUR ABRENICA IBINULGAR NA PARANG TATAY NA NIYA SI ROBIN PADILLA

aljur

MATAPOS na hindi magkasundo last year nina Robin Padilla at Aljur Abrenica, ngayon ay okey na okey na ang kanilang hotshotsrelasyon.

Ayon kay Aljur nang mag-guest sa Magandang Buhay ay parang tunay na tatay na raw ngayon si Robin sa kanya.

“Ngayon, hindi ko nga malaman ang pinagkaiba ng father-in-law sa tatay, eh. Alam mo ‘yun, parang tatay ko na rin siya. Ganu’n siya. Nagte-text, inaalam kung saan kami magha-honeymoon, tapos  andiyan para bigyan kami ng pocket money. Sabi ko, `wow ah!  Parang  tatay talaga,” pahayag ni Aljur.

Matatandaang nagalit si Robin kay Aljur noon dahil gusto ng una ay pakasalan ng huli si Kylie nang mabuntis.

Pero ngayong kasal na finally ang dalawa ay okey na okey na kay Robin dahil sagrado na ang pagsasama ng dalawa at kanilang anak.

Ayon pa rin kay Aljur, sobrang suwerte niya sa pagkakaroon ng mother-in-law na tulad ni Liezl Sicangco. Marami raw siyang natutunan dito especially pagdating sa kung paano aalagaan si Kylie.

Ngayon ay masa­yang-masaya na si Aljur na si Kylie ang kanyang pinakasalan. Kahit dalawang Linggo lang daw ang naging preparasyon nila sa kasal ay happy siya dahil dumating ang mga mahal nila sa buhay at mga kaibigan.

“Masayang-masaya ‘yung puso ko. Kasi simula nu’ng nagkakilala kami ni Kylie nagbago lahat. ‘Yung first time na nakita ko siya, ‘yung pangarap ko nagbago rin, nasama na siya. Nadagdagan ‘yung pangarap ko. So nag-ambisyon ako noon na siya na, nag-ambisyon na rin ako na magkaroon ng sariling pamilya. Looking back nga after ng kasal namin, doon namin nakita na kaya pala namin pinagdaan ‘yon kasi rito kami dadalhin and it`s all worth it, all worth it,” pahayag ni Aljur.

Magandang blessing din na ang pagpasok ng Bagong Taon dahil may project si Kylie sa GMA 7 ka-partner ni Ruru Madrid sa Toda Max Na Love Kita.

ALDEN BINA-BASH DAHIL SA BIGOTE AT TUMATABA NA    

alden richardsMAY bagong pamba-bash  kay Alden Richards ang kanyang mga hater. Sabi kasi ng haters nito ay pumapangit ang actor ha-bang nagkakaedad at patunay nito ay ang larawan ni Alden na naglabasan.

Ang naging basehan ng haters para sabihan na pumapanget si Alden ay dahil may bigote ito at tumataba pa raw. Pati pananamit ni Alden ay hindi rin nakaligtas sa basher dahil ibang-iba na raw sa dating Alden na nakilala nila.

Pero karamihan ng fans ni Alden ay gusto ang look ng actor dahil lagi na lang itong malinis tingnan, walang bigote,  walang pa­tilya at payat.

Pero para kay Alden ay hindi niya problema ang ugly look na sinasabi ng bashers at haters niya. Hanggang ngayon ay hindi siya nag-aahit ng todo pero ang katabaan ay ginagawan na niya ng paraan para muling bumalik ang dating porma ng katawan.

For sure ay may pelikulang gagawin si Alden ngayong taon, pero bawal pa sabihin kung anong title at kung sino ang kapareha.  Madadalas din ang paglabas niya ng bansa dahil may mga concert siyang gagawin. At sigurado na rin may teleseryeng gagawin si Alden this year.

MIGUEL TANFELIX AT BIANCA UMALI PINAG-AARAL NG PAGSISID SA DAGAT

MIGUEL-BIANCAPINAG-AARAL ang magka-loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix nang tamang pagsisid  sa ilalim ng dagat para sa kanilang roles sa bagong teleseryeng Sahaya.

Kailangan kasi nilang malaman ang tama at matutunan ang tinatawag na “free diving” o ang pagsisid na hindi kinakailangan ng anumang breathing apparatus.  Mga Badjao kasi ang role nina Bianca at Miguel sa serye.

Mahuhusay kasing lumangoy ang mga Badjao na hindi gumagamit ng oxygen tank kapag sumisisid sa ilalim ng dagat.

“Una siyempre medyo mahihirapan po kayo and masakit sa tenga kasi ‘yung pressure under water.  Pero kailangan po ng practice, kailangan po ng knowledge about  sa free diving,” say ni Miguel.

Pagdating naman sa paglangoy ay may background si Bianca pero iba raw ang free diving dahil kailangang matutunan mo ang tamang paghinga bago ka sumisisid sa ilalim ng dagat.

Malapit nang mapanood ang Sahaya nina Bianca at Miguel sa GMA 7.