IBINAHAGI nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang behind-the-scene photos ng kanilang official prenup pictorial at video shoot via Instagram.
Masayang-masaya si Kylie sa resulta ng kanilang prenup shoot at hindi na ito makapaghintay mapanood ng kanilang pamilya at mga kaibigan.
“Thank you so much to this team, we had our official pre-nup pictorial and video shoot yesterday and we are so happy with your works of art!!! Thanks, guys. Kunin ko kayo sa mga future film and projects ko, ah. Naks,”post ni Kylie sa Instagram.
The Proud Rad ang photography team nina Aljur at Kylie. Ang set design team naman ay ang Rabbithole Creatives.
Samantala, masaya si Robin Padilla sa ginagawang paghahandang wedding nina Aljur at Kylie. ‘Di nga ba ito ang gusto ni Robin na pakasalan muna ni Aljur ang kanyang anak bago sila matanggap ng lubusan.
Dapat ay last November 18 nakatakdang ikasal ang dalawa pero hindi natuloy dahil katatapos lang ng prenup shoot nina Aljur at Kylie.
Sa ngayon ay wala pang tiyak na date at venue na nababanggit ang dalawa kaya aabangan na lang ng kanilang supporters at nagmamahal sa social media.
PAO CHIEF ATTY PERSIDA ACOSTA DINETALYE ANG NANGYARI SA MGA BIKTIMA NG DENGVAXIA
HUMARAP sa mga TV crew ng iba`t ibang TV station at entertainment press si PAO Chief Persida Acosta kasama ang mga magulang ng mga batang nasawi dahil sa naturukan ng Dengvaxia.
Ipinakita ni Atty. Persida ang mga larawan ng mga bata at ang mga sakit na dinanas matapos masaksakan ng gamot na kokontra sa sakit na Dengue.
Ipinakita rin kung paano at kung sino ang mga taong involved kaya nakalusot ang naturang gamot sa ating bansa. Kahit na pala malinaw na inihayag na hindi pa puwedeng gamitin ng lubusan ang naturang gamot pero hindi nasunod.
Nanawagan ang mga magulang ng mga batang biktima sa kinauukulan na bigyan ng hustisya ang kamatayan ng kanilang walang kamalay-malay na mga anak. Ang inaakala nilang lunas sa kanilang anak para makaiwas sa sakit na dengue ay siya palang papatay sa mga ito.
Pinatunayan din sa naturang okasyon na mali ang mga sinasabing palusot na dapat lang daw mabigyan ng naturang gamot ang mga batang nagka-dengue.
May batang dalawang beses nang nagka-dengue pero nang saksakan ng naturang gamot ay namatay rin.
Grabe ang mga larawang ipinakita sa press at TV crew na makikita ang mga sakit na natatamo kapag ikaw ay nasaksakan ng naturang gamot. Nandoon namamaga ang mga organ ng bata at pati ang utak ng batang namatay.
Nagkakaisa rin ang mga magulang ng mga batang biktima na walang katotohanan ang ipinaparatang laban kay Atty. Persida Acosta. Gusto lang daw baligtarin at gawan ng isyu si Atty. Persida para siraan.
“Naniniwala po kami sa PAO, lalo na kay Atty Persida na ipagtatanggol niya ang mga hinaing namin kontra sa mga tao na nagbigay ng pahintulot na gamitin sa aming mga anak ang naturang gamot,” nagkakaisang pahayag ng mga nag-iiyakang magulang.
Isa pa sa ayaw daw ibigay sa PAO ay ang kumpletong list ng mga naturukan ng naturang gamot. Tila gusto raw diumano itago ang mga pangalan ng mga naturukan ng naturang gamot.
Nangako si Atty Persida na hindi titigil ang PAO na palabasin ang katotohanan at maparusahan ang mga dapat managot sa batas.
TONY LABRUSCA ‘DI INAKALA NG MGA MAGULANG ANG PAGSIKAT
MAGING ang magulang ni Tony Labrusca na si Angel Jones ay nagulat sa biglang pagsikat ng kanyang anak matapos na i-release ang online movie nitong Glorious kung saan may maiinit itong romansahan kay Angel Aquino.
Sa abroad lumaki si Tony kasama ng ina para maghanap ng trabaho, habang ang kanyang ama na si Boom Labrusca ay kasal na ngayon kay Desiree del Valle.
Tinangkang sumali ni Tony sa Boy Band PH pero ‘di siya napabilang sa grupong napili. ‘Di siya sumuko dahil sumali naman siya sa pag-arte at tumanggap muna siya ng mga minor role.
Nakita ni Angel Aquino ang pag-arte ni Tony sa isang TV show at inirekomenda ng actress ito kay Deo Endrinal, head ng Dreamscape Entertainment na isabak sa isang audition para sa role na isang 21 years old na lalaki na mahuhulog ang loob at nagkaroon ng relasyon sa isang 50 years old mom.
Kahit ‘di pa nagkaroon ng experience na magkaroon ng relasyon sa isang may edad na babae ay nagampanan ni Tony ang role dahil sa magaling na director na si Connie Macatuno na siyang nag-motivate sa kanya para magawa ng tama ang kanyang role.
“I`d like to thank, too. Ma`am Angel (Aquino, who is 46), who really cooperated even with our most delicate love scenes.
“I will never forget too na siya ang nag-suggest kay Sir Deo to consider me for the role. I hope we get the chance na makatrabahong muli,” say ni Tony.
Comments are closed.