Ang tunay na pangalan ni Jackie Chan ay Chan Kong-Sang at isinilang siya sa Hong Kong. Nakakapagsalita siya ng pitong lenggwahe: Cantonese, Mandarin, English, German, Korean, Japanese at Thai at marunong din siya ng American Sign Language.
Marunong siyang kumanta at classically trained bilang vocalist. Mayroon siyang mahigit 20 albums ng mga kanta sa higit pa sa limang languages, bukod pa sa pagbibigay ng theme tunes sa napakarami niyang mga naunang pelikula. Kumakanta rin siya sa kanyang mga naunang movies sa Chinese versions ng Disney classics.
Habang ginagawa niya ang pelikulang “Armour of God,” tumalon si Jackie Chan mula sa eroplano at bumagsak sa ibabaw ng top of hot air balloon. Isa itong malaking aksidente. Sa nasabi ring pelikula, naaksidente uli siya na muntik niyang ikamatay. Kinailangang operahan siya at lagyan ng permanent plastic plug sa bungo upang mabuhay.
Hawak ni Jackie Chan ang Guinness World Record for “Most Stunts by a Living Actor”
Minsan niyang sinabing hindi niya pamamanahan kahit isang sentimo ang kanyang nag-iisang anak na lalaki. Ani Jackie, “If he [anak niya] is capable, he can make his own money. If he is not, then he will just be wasting my money.”
Sa isang awards ceremony sa Beijing noong April 2011, sinabi ni Jackie na mas nanaisin niyang ibigay ang kalahati ng kanyang kayamanan sa kawanggawa kapag namatay siya, sa halip na ibigay sa kanyang mga anak. May dalawa siyang anak, isang babae at isang lalaki, ngunit isa lamang ang kinikilala niya — si Jaycee Chan.
Paliwanag ng aktor, maswerte ang anak niya dahil hindi ito tulad ng iba, na kailangan pang makipagpatayan para makaangat sa buhay. Sabi pa ng 69-year-old actor, bawat tao ay may kani-kanyang labang dapat ipanalo.
Sikat si Jackie at alam ito ng lahat. Gumawa siya ng pangalan dahil sa kanyang acting skills at impeccable comedic timing, pati na sa husay sa martial arts. Gumawa siya ng pangalan sa maikling panahon, dahil siya mismo ang gumagawa ng kanyang stunts.
Nang maestablisa niya ang kanyang sarili bilang isa sa pinakamahusay na actor sa Asia, nagsimula si Jackie sa American film industry noong 1980s at agad na naging isa sa most in-demand talents sa Hollywood.
Binigyan siya ng Academy ng honorary Oscar noong 2015 dahil sa mga kontribusyon niya sa movie industry.
Ang 69-years old actor at may yamang hindi bababa sa $400 million.
Aminado si Jackie na may anak siya sa labas na isang babae — si Etta Ng Chok Lam. Ngunit hindi pa ito ipinanganganak ay itinakwil na siya ni Jackie at hindi sa dahilang isa siyang lesbian.
Homeless siya ngayon kasama ang asawang isa ring babae. Nagpakilala siya sa social media na anak ni Jackie Chan na itinakwil daw dahil isa siyang lesbian. Sa totoo lang, hindi totoo ang kanyang claim. Kasal si Jackie kay Joan Lin mula 1982, ngunit nasangkot siya sa isang eskandalo noong 1999 nang aminin niyang nagkaroon siya ng affair sa beauty queen na si Elaine Ng Yi-lei, na mas bata sa kanya ng 19 years. Kinumpirma ni Jackie na nabuntis niya si Elaine.
“I’m not a saint. I’ve done something wrong. I’ve done something that something that many men in the world have done. Maybe it was a moment of playfulness,” aniya.
Lubos raw niya itong pinagsisihan at walang sawa siyang humingi ng patawad sa kanyang asawa at sa anak na si Jaycee Chan.
Agad pinutol ni Jackie ang pakikipag-ugnayan kay Elaine nang mabuntis ito at ni minsan ay hindi niya nakita ang kanyang anak.
Hindi rin niya ito binigyan ng financial support.
Ayon kay Etta, walang papel si Jackie sa kanyang buhay.
“He is my biological father but he is not in my life. He never existed in my life. I will never regard him as a father. As long as I have my mother with me, I don’t need my father,” ani Etta.
Samantala, si Jaycee Chan o Joming na isinilang noong December 3, 1982, ay isang American-born Chinese actor and singer. Noong 2004, ini-release ang una niyang Mandarin CD album sa Hong Kong. Pero bago ‘yon, nearest at nakulong si Jaycee noong 2014 sa kasong possession and distribution of marijuana. Kinasuhan din siya ng pag-aalaga ng drug users sa kanyang apartment sa Beijing. Anim na buwan siyang nakulong. Dahil dito, nasira ang kanyang reputasyon at career.
Noong 2021, sinimulan niya ang sariling Tequila brand na Los 7 Ángeles.
May nagsasabing itinakwil din ni Jackie si Jaycee ngunit hindi ito totoo. Ngunit totoong inalis niya ang pangalan nito sa listahan ng kanyang tagapagmana upang turuan ng leksyon.
Balik kay Jackie, sa pelikulang Dragon Lord, may isang scene na 2900 ulit niyang pinraktis bago nakuha ng maayos. Iyo ang scene na may pinakamaraming takes. Si Jackie mismo ang hindi ma-satisfied sa resulta kaya inabot ang scene ng 2900 takes. Kapagod!
Yan po si Jackie Chan. Mas kilala na natin siya ngayon.
Kaye VN Martin