Nagpapakitang gilas ang Acura na may ZDX nameplate, ang kauna-unahang electric SUV. Mabibili na ito (ngunit pangarap lamang para sa inyong lingkod) ngayong taon. Ang bagong Acura ZDX ay masasabing tradisyunal sa hitsura, at may Google-based infotainment system, na may 500-horsepower Type S model, isa sa “most powerful and quickest accelerating SUV” ng Acura.
Ang presyo ng ZDX ay “around $60,000” o mahigit tatlong milyong piso, depende sa palitan ng dolyar, at tumatakbo ng hanggang 325 miles range.
Ginawang may low center of gravity at halos 50/50 weight distribution, ang ZDX A-Spec® ay mayh RWD na nagbibigay ng 358-HP* at kalkuladong 313-mile EPA range rating.
Nagbibugay rin ang ZDX ng range of performance-focused wheels na kumukumplimento sa kanyang athletic stance.
Idagdag pa rito ang Acura Genuine Accessory wheels sa mas Magandang estilo.
Sadyang ginawa upang magbigay ng superior auditory experience, ang premium BANG & OLUFSEN® Sound System ay standard at nagbibigay ng tunog na katumbas ng 18 speakers.
Ang intuitive BEOSONIC® ng BANG & OLUFSEN technology ay lumilikha ng sound experience sa mga tagapakinig kung anumang music ang kanilang gusto.
Meron ding available Adaptive Air Suspension na nagbibigay ng smooth and comfortable drive across kahit pa baku-bako ang daan. Naitataas naman ang advanced system ng ZDX Type S na may Snow mode kung kailangan ang extra clearance, at naibababa naman ito kapag na-activate ang Sport mode. Kahit anong kalsada pa ang dadaanan – baku-bako man o highway, mararanasan ang next-level control and confidence para sa optimized stability.
May kasama ring pinaka-latest na AcuraWatch™ ang ZDX na angkop sa kaligtasan at driver-assistive technologies kung saan kasama ang iba pang magagandang robust features na tumutulong upang mas maiayos ang driver awareness, makaiwas sa banggaan at bawasan ang severity of an impact sakaling may maganap na banggaan.
Exclusive sa ZDX Type S, ipinakikilala ng Acura 360+ ang mas pinagandang driver assist technologies na naglalayong tulungan ang driver na mas maging relaxed at kumportable kapag nagmamaneo. Mayroon ding Hands Free Cruise* driver assistance technology kaya pwede ang hands-free driving. Mayroon din itong Automatic Parking Assist kaya kahit bagong driver ay hindi mahihirapang magmaneobra.
O, ano, bibili ka ba?