ALL-FEMALE TEAM PH PAPARADA SA CAMBODIA SEAG OPENING CEREMONY

ISANG Team Philippines na binubuo ng 50 all-female athletes na nakasuot ng puting Barong Tagalog, nakangiti at iwinagawayway ang Philippine flaglets ang magmamartsa sa paligid ng 60,000-seat Morodok Techo Stadium sa Phnom Penh sa parade of nations ng opening ceremony ng 32nd Southeast Asian Games sa Mayo 5.

Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng SEA Games.

“This will be a first in SEA Games history as Team Philippines will be represented by an all-women delegation in the parade,” pahayag ni Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Tatlong lalaki lamang mula sa Team Philippines ang sasama sa mga Filipina a1lete —Tolentino, chef de mission Chito Loyzaga at ang flag bearer na pangangalanan bago ang opening.

Isusuot nila ang puting barong at itim na pantalon na dinisenyo ni Francis Libiran.

Ayon kay Tolentino, ang Cambodia SEA Games Organizing Committee (Camsoc) ay nagtakda ng limit na 50 atleta para sa bawat bansa sa tradisyunal na parada ng mga atleta.

Tinawag ni fashion icon Libiran ang kanyang barong creation para sa 32nd SEA Games na “Araw.”

Ang Francis Libiran Araw Barong Tagalog ay gawa sa Philippine jusi fabric at materials at binurdahan ng Philippine flag.

Dinisenyo rin ni Libiran ang barong na isinuot ng mga Filipino athlete sa 2019 Philippine SEA Games, gayundin sa Hanoi noong nakaraang taon kung saan tinawag niya ang kanyang masterpiece na “Agila” na may burda ng Philippine eagle.