ALL FRONTLINERS, BIGYAN NG HAZARD PAY – YAP

Nais ni ACT-CIS Cong. Eric Yap na bigyan ng hazard pay ang lahat ng frontliners sa COVID-19, pribado man o sa gobyerno na kinabibilangan ng mga medical professional at hospital aides na nakadestino sa iba’t-ibang pagamutan sa bansa.

Ayon kay Cong Yap. gawing standard ang rate na ibibigay na hazard pay sa frontliners.

Sinabi ng mambabatas, nakatanggap siya ng reklamo na may ilang nurse na nagrereklamo dahil P200 lang ang ibinibigay na hazard pay sa kanila sa kabila ng mahirap at buwis buhay nilang trabaho.

“The mere fact na naroon ka araw-araw kasama ang pasyente na may COVID-19 ay nilalagay mo na  ang buhay mo sa alanganin tapos ang ibibigy lang sa ‘yo na hazard ay P200 to P500 sa isang buwan?”,  anang mambabatas na siyang chairman ng Appropriations Committee.

Ani Yap, sa ngayon ay pinag-aaralan na niya kung magkano at kung puwedeng iparehas na lang ang hazard pay per day  ng mga doktor sa buong bansa na direktang nakikisalamuha sa mga COVID-19 patient.

Isasama na rin ni Cong Yap sa kanyang panukala ang mga hospital aide o assistants na naghahatid ng mga pagkain at naglilinis ng  mga kuwarto o wards ng mga COVID patients na mabigyan din ng hazard pay araw-araw.

“Di ba sabi natin itong COVID ay isang giyera. Ang mga sundalo at pulis ‘pag pumunta sa giyera o magpapatrolya, ay may hazard pay dahil delikado ang kanilang pupuntahan. Nararapat lamang na itong mga medical professionals at mga aides at assistants nila mabigyan din ng kahalintulad na bayad,” ani Yap.

“This will cover all health workers whether in private or in public hospitals and  clinics sa buong bansa at habang sila ay  direktang humaharap sa mga covid patients,” pahabol ng batang kongresista.

Comments are closed.