CAMP AGUINALDO – KOMPIYANSA si outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Noel Clement na tama ang kayang desisyon na irekomendang huwag nang palawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Clement, mula nang itigil o tuluyan ng i-lift ang pinaiiral na batas militar sa buong Mindanao ay wala pang natalang kaguluhan or major incidents .
Pahayag pa ni Clement na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local government units upang huwag ng maulit ang anumang karahasan matapos na alisin ang martial law.
Naniniwala si Clement na tama ang kanilang desisyon na huwag ng palawigin pa ang batas militar subalit ang pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ay sama-samang responsibilidad nang lahat ng sector or share responsibility ng lahat.
Kaugnay nito, target din ng bagong AFP Chief of Staff, Lt. Gen. Felimon Santos na wakasan na ang terorismo sa bahagi ng Mindanao.
Pangalawa lamang sa marching order ng Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang rebelyon partikular ang Communist Party of the Philippines (CPP) armed wing na New Peoples Army (NPA).VERLIN RUIZ