“ALL THAT JAZZ”

DAHIL sa kaniyang kinamulatang hirap sa buhay, kaya kahit noong bata pa lamang siya at bilang panganay sa anim na magkakapatid, ay nakahiligan na niyang humanap ng pagkakakitaan para makatulong sa kaniyang mga magulang.

Aminado si Mikko Bihasa na wala siyang interes noong una sa negosyong paggawa ng mga office furnitures ngunit nadiskubre niyang mayroong pala siyang passion sa ganitong negosyo nang makapagtrabaho siya sa isang office furniture company.

Dail sa pagkakaroon ng experience sa office interiors, nabuo nila ng kaniyang misis na si Kristhina ang sariling nilang negosyo na Jazz Innovative Office Interiors na nagbebenta ng iba’t ibang uri ng office furnitures at gumagawa rin ng customized office tables at cabinets.

Tulad din ng karamihan sa ating mga kababayang negosyante, malaki rin ang naging epekto ng Covid-19 sa kanilang negosyo dahil marami sa kanilang mga kliyente ang nagsara.

“Napakalaki ng epekto sa amin ng pandemya kasi maraming kumpanya ang nagsara kaya humina ang benta namin. Isa pa, maituturing na hindi essential ang office furniture sa panahon ngayon,” kuwento ni Mikko.

Payo naman ni Mikko sa mga gusting magkaroon ng sariling negosyo ay dapat mayroong itong dedikasyon, pagsisikap at maging tapat sa pangako sa kanilang mga customer at higit sa lahat, ang pagdarasal – ang paghingi ng gabay at proteksyon mula sa Diyos.

“Dapat mayroon silang dedikasyon sa papasukin nilang negosyo. Samahan din ng ibayong pagsisikap na mapalago ito at ingatan nila na huwag masira sa mga ipinangako nila sa customers at higit sa lahat, ‘wag kalimutang humingi ng tulong at proteksyon sa Diyos at magbigay ng nararapat sa Kaniya,” ayon pa kay Mikko. CRIS GALIT

7 thoughts on ““ALL THAT JAZZ””

  1. 773595 531222Howdy! I just want to give an enormous thumbs up for the excellent details you might have here on this post. I will likely be coming back to your weblog for more soon. 526725

  2. 503922 367755The next time I just read a weblog, I really hope which it doesnt disappoint me up to this one. Get real, Yes, it was my choice to read, but I personally thought youd have something intriguing to convey. All I hear can be a handful of whining about something you could fix inside the event you werent too busy trying to find attention. 421455

Comments are closed.