ALL WEATHER

SABONG NGAYON

ANG PAGMAMANOK ay napakaraming pinagdadaanan at ito ay may buhay kaya anumang oras ay maaaring  mawala, kung hindi manakaw ay maaari namang nadisgrasya ng kalikasan.

“Mas maganda kung tayo ay palaging handa sa anumang panahon umulan at umaraw ALL WEATHER,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Ang manok basta tumitilaok at nagtutunaw ng kanyang kinain, ito ay indication na sila ay ligtas/safe at lahat sila ay winner na kasi tinalo nila ang napakalakas na bagyo. Ang manok ay palaging  inaalagaan kasi patayan ang kanilang pupuntahan!” dagdag pa niya.

Para kay Doc Marvin in terms of quality ng magiging anak overall ay inahin ang mas quality mag anak kaysa sa dumalaga.

“Kahit matanda na ang inahin 5-6 yrs old kung proven/napaglabanan na ay siya  pa rin po ang gagamitin ko kahit kaunti lang sya mag anak QUALITY NAMAN ANG LABANAN HINDI PADAMIHAN NG MANOK,” ani Doc Marvin.

“Kung hen ang gagamitin, ang tendency po ng magiging anak ay paliit ang station/sukat kaya dapat po gagamitin po ay high station broodstag at hindi masyadong malalim ang pagka in breeding ng pares na gagamitin sa breeding,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, kung medium station ang broodstag ay siguraduhin lang na mataas ang inahin para mahabol ang taas ng sukat ng magi-ging anak.

“Kaya dapat po ay may naka-set na standard/pamantayan para alam mo kung pasaan ang iyong pupuntahan at ano ba ang target mo? Ang lahat po ng katanungan ay ikaw lang ang makakasagot,” sabi  ni Doc Marvin.

Aniya,  lahat ng gagawin sa pagmamanok ay dapat kaya nating ipaliwanag kapag may nagtanong ng salitang ‘BAKIT’ dahil kung hindi ay pasirok-sirok lang ang pagiging pagmamanok/sabog-sabog walang patutunguhan.

Sinabi rin ni Doc Marvin na ang katangiang physical ‘PHENOTYPE’ ng ating mga manok ay mas lamang na maipapasa sa kanyang mga apo kaysa kanyang mga anak o depende kung dominant ang linyada.

“Basta po ang gamefowl breeding ay Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang siguradong magiging hitsura ng magiging anak kaya ‘di ko masagot ang katanungan, lalo na kung hindi naman sa akin ‘yung linyada,” sabi pa niya.

“Sa sarili ko na nga na linyada ay hindi ko pa masigurado kung ano ang kalalabasan, sadya pong  ganoon, tataya ka talaga sa materyales na iyong ipagpapares/mating kaya po ang

pinaka importante ay pilian, SELECTION IS THE KEY!” dagdag pa niya.

“Kung line breeding po ang programa ay naibabato rin po ‘yung kulay ng balahibo at paa kung ano ang iyong base bloodline  maging sa anak man o apo, babae at lalaki. Wala po tayong  control sa kung anong hugis ng palong (peacomb/straightcomb) at ‘yung puti sa buntot/white streak. Kung ‘di pa masyadong marunong sa pagpapalahi para ‘di masyadong  masayang ang iyong pera na pinaghirapan dapat po ay pag-aralan muna. Lahat naman ng bagay ay napag-aaralan.”

Comments are closed.