MALAYO na ang narating ng dating alaga ni Jojo Veloso na si Allen Dizon, na mula sa pagpapa-sexy sa pelikula ay naging respetadong actor na ilang beses ng naparangalang Best Actor sa mga nagawang de kalidad na pelikula. Ngayon, isa na ring matagumpay na negosyante si Allen.
Unang negosyo ni Allen ay buy-and-sell ng used vintage cars na hanggang ngayon ay kanya pa ring ginagawa. Natuto rin ang actor na magtayo ng ibang negosyo sa tulong na rin ng kanyang misis.
Mayroon silang sariling franchise ng Kenny Rogers sa San Fernando at ngayong April ay magbubukas na rin ang kanyang franchise ng Gerry’s Grill, also in San Fernando, Pampanga.
Ang tahanan o mansion ni Allen and his family ay mayroong walong kuwarto sa isang malawak na lote sa isang exclusive subdivision sa San Fernando kung saan makikita ang walong iba’t ibang luxury cars ng actor.
Maliban sa in demand sa movies ay suki rin ng mga teleserye ng ABS-CBN at GMA si Allen na huling napanood sa MMFF movie nila ni Judy Ann Santos na “Mindanao.”
JC GARCIA NAG-ASIAN TOUR KASAMA ANG PAMILYA
DUMATING ng Pinas last week ang Sanfo-based recording artist/dancer/internet radio anchor na si JC Garcia. Pagtuntong ni JC sa bansa ay agad siyang niyaya ng kanyang classmates and teachers ng reunion sa Buffet 101 sa Mall of Asia. Kami naman ng Bff kong si Pete Ampoloquio, Jr at Abe Paulite ay nagtungo nu’ng gabing ‘yun sa Dusit Thani Hotel kung saan naka-check in si JC para makita ang amigo naming singer.
Sa aming panayam kay JC, hindi pala siya magtatagal sa Pinas kaya ‘yung concert na gusto nitong gawin ay sa pagbalik na niya sa September mangyayari at mukhang ang Diva noong 80s na si Marissa Tubig na kaibigan niya in real life ang kanyang makaka-back to back.
Nasa Singapore ngayon si JC kasama ang kanyang eldest brother at pamangking artistahin tulad niya na si Jonathan at isa pang pamangking babae at in-enjoy nila ang pagbisita sa Universal Studios.
And this month ay ang Asian Tour ang pagkakaabalahan ng nasabing recording artist kung saan tutungo naman siya sa Dubai, Hongkong at Bangkok, Thailand.
‘HYPE KANG BATA KA’ MAY P20K NA PUWEDENG MAPANALUNAN SA WEEKLY FINALS
LAST Saturday, ay isa na namang talentadong bata ang nagwagi ng P20K sa weekly finals sa “Hype Kang Bata Ka.”
Araw-araw ay dalawang bata ang maglalaban sa talentong ipinamamalas sa segment na ito at ang daily winner ang siyang pasok sa weekly finals na ginaganap tuwing Sabado sa APT Studios na limang bagets ang magpamamalas ng iba’t ibang talent sa judges at kung sino ang siyang mag-i-standout ay siyang wagi sa laban.
Para naman sa interesadong mag-audition sa Hype Kang Bata Ka, ay magtungo lang sa APT Studios sa may Cainta Marcos Highway. Kailangang 12 yrs old & below at may hype na hype na talent.
Magdala ng photocopy ng birth certificate, talent material, ID o iyong magulang at 3 photos ng bata na whole body at close up.
Comments are closed.