ALLERGIC RHINITIS AT ANG PAULIT-ULIT NA SIPON

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

Pabalik-balik na sipon lalo na kapag nagbabago ang panahon, nakaiirita, minsan ay nakakahiya. Sagabal sa trabaho at minsan din ay nauuwi sa isang tuluyang impeksiyon. Ano nga ba ang allergic rhinitis o Hay Fever? Ano ang sintomas at senyales nito? Ano ang sanhi ng sakit na ito at ano nga ba ang maaaring gamot at paraan para maiwasan ito?

Bago natin alamin kung ano nga ba ang Allergic Rhinitis, mainam na malaman natin ano  ba ang sanhi ng sakit na ito?

Ang Allergic Rhinitis ay dulot ng allergens tulad ng alikabok, pollen, balahibo ng ating mga alagang hayop at amag. Ang allergens na ito ay ating nalalanghap at nagti-trigger ng immune response na minsan ay nag-o-over react na kalaunan ay nagiging dahilan ng pamamaga ng soft tissues sa ­ating ilong. Kasama sa pamamagang ito ay ang pag-o-over produce ng secretions mula sa mucus glands sa ating ilong. Karaniwang sintomas at senyales ng sakit na ito ay ang runny nose o grabeng pagsipon, pagluluha, pagbahing ng madalas, at minsan ay pamamaga ng parte ng ating mata. Karamihan ng mga taong may allergic rhinitis ay mayroon ding asthma, at allergy sa balat.

Ang mga sintomas at senyales ng sakit na ito ay may relas­yon sa panahon. Sa Fili­pinas, ito ay karaniwang nararanasan sa panahon ng taglamig at tuwing magpapalit ang season mula sa taglamig at tag-init. Ang tawag sa uri ng Allergic Rhinitis na ito ay “Seasonal Allergic Rhinitis”. Ang ibang uri ng Allergic Rhinitis ay “Periodic Allergic Rhinitis” at Perennial Allergic Rhiniallergy.

Maaari nitong apektuhan ang bata man o matanda, babae man o lalaki.   Ang pagda-diagnose ng sakit na ito ay base sa sintomas, history at physical examination. Ang chemical or environmental factors na nagti-trigger sa sakit na ito ay maaaring malaman sa pamamagitan ng “Patch Test”.

Dahil ito ay isang uri ng allergy, ang epektibong gamot sa sakit na ito ay ang pag-inom ng antihistamines at minsan sa mga grabeng sintomas, ang pag-inom ng steroids ay makatutulong. Ang mga gamot na nabanggit ay bini­bigay ng ating mga doctor pagkatapos ma-rule out at ma-diagnose ang sakit na ito.

Ang mga Nasal Congestant na maa­aring inumin o i-spray directly sa ating mga ilong ay nakatutulong para magamot ang sakit na ito.

Kapag ang sintomas ng pagbara ng ilong ay grabe na, ang nasal irrigation na ginagawa ng Ears, Nose and Throat Specialist na doctor.

Ang Allergen Immunotheraphy na ginagawa ng Allergologist ay nakatutulong upang hindi maging paulit-ulit na magkaroon nito, ito ay ginagawa pagkatapos malaman kung saan allergic ang isang tao, at sa pamamagitan ng isang masusing pa­raan, ang katawan ng tao ay unti-unting sinasanay para maging immune sa reaction ng isang allergen.

Ang pag-iwas sa exposure sa allergens na nabanggit ang isa sa pinakaepektibong paraan para ma-prevent ang sakit na ito.

Kung mayroong katanungan, maaring mag-email sa samuelzacate@yahoo.com o i-like sa Facebook ang medicus et legem fanpage at mag-comment dito.

31 thoughts on “ALLERGIC RHINITIS AT ANG PAULIT-ULIT NA SIPON”

  1. Hiya! I know this is kinda off topic but I’d figured I’d ask.
    Would you be interested in trading links or maybe
    guest authoring a blog post or vice-versa? My site covers a lot
    of the same topics as yours and I feel we could greatly benefit from each
    other. If you happen to be interested feel free to send me
    an e-mail. I look forward to hearing from
    you! Excellent blog by the way!

  2. Greate pieces. Keep writing such kind of info on your blog.Im really impressed by your blog.Hey there, You have done an incredible job. I will definitely digg it and in my view recommend to my friends.I am confident they will be benefited from this site.

  3. Thanks for your marvelous posting! I actually enjoyed reading it, you might be a
    great author.I will be sure to bookmark your blog and will often come back in the future.
    I want to encourage you to continue your great job, have a
    nice day!

  4. Hey there! I’m at work browsing your blog from my new iphone!Just wanted to say I love reading through your blog and look forwardto all your posts! Keep up the excellent work!

Comments are closed.