IKINAKASA na ang isasagawang malakihang joint war exercise ng Pilipinas at United States (US) militaries na sasalihan ng ilang allied countries na gaganaping sa hilaga at kanlurang bahagi ng bansa.
“Batanes is one of the locations that we are considering in the execution of Balikatan,” ayon kay Executive agent ng RP-US 2024 Balikatan exercise na si Col. Michael Logico.
Aniya, bukod pa ito sa posibleng pagsasanay sa bahagi ng West Philippine Sea o Palawan.
Ayon kay Logico, hindi gaganapin ang Balikatan sa karaniwang training areas tulad ng Fort Magsaysay at Colonel Ernesto Ravina Air Base (CERAB).
Nabatid na sasali sa nasabing sabayang pagsasanay militar ang France at Australia sa Balikatan maritime at land exercises ang mga nabangit na kaalyadong bansa.
“We have also sent our invitation to the Japanese Self Defense forces although right now, I have not yet confirmed if they have accepted the invitation to join us in the exercises,” diin ni Logico.
“In this Balikatan, we are also going for more inter-agency collaboration. So in previouses exercises, it was just purely military to military. Ngayon, we are also going to involve other agencies in this exercise, primarily the PCG, PNP, and other invited participants for the cyberdefense and information exercises,” aniya.
Mas marami ring kalahok ang inimbitahan sa para sa cyber defense at information warfare exercises, bukod sa inimbitahang foreign observers.
Nabatid kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na kasado na ang 39th iteration ng Balikatan Exercise sa ikatlong linggo ng April hanggang unang linggo ng May, kung saan gagamitin ang mga makabagong sandata ng AFP na kanilang nabili sa ilalim ng kanilang modernization program.
Magiging tampok sa nasabing pagsasanay ang gaganaping maritime strike exercise kung saan isang sea vessel ang magiging target palulubugin gamit ang mga makabagong armas.
Samantala , inihayag ni Logico na hindi siya nababahala sa posibilidad na mag gagala o magmamasid ang China sa mga area na pagdarausan ng pagsasanay particular sa karagatan dahil inaasahan na naman nila ito.
VERLIN RUIZ