UMAASA kami na mataas ang morale ngayon ng ating healthcare workers dahil nagkalinaw na ang kanilang matagal nang asam at ito ay ang matanggap na ang allowance.
Kasunod nga ng pagkumpirma ng Department of Budget and Management na inilabas na ng pamahalaan ang mahigit P27 bilyong pondo.
Paalala lang, hindi naman dahil health care workers ay makatatanggap, kundi ang mga kuwalipikado lamang at mga eligibile mula nang kuwentahin ang ibibigay na allowance.
Ang nasabing allowance ay matagal ding hinintay ng mga health care workers simula pa noong pandemya.
Dumaan pa ito sa mga matagal na panawagan at mga deliberasyon at ngayong araw ay kanila itong natanggap.
Deserve naman ng mga health worker ito at mula sa pagod ng kanilang pagseserbisyo sa ospital at mga clinic, hayaan natin silang ngumiti.
Sana lang ang lahat ng mga nagsisilbi sa mga ospital at may mga sakit ay mabibiyayaan.