MATATANGGAP na ng lahat ng miyembro ng kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang kanilang allowance mula sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.
Sa ikalawang peace and order council meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno inaprubahan sa pamamagitan ng resolusyon ang allowance ng mga pulis ng lungsod.
Ayon kay Moreno, nagtataka siya kung bakit hindi naibibigay ng dating alkalde ang allowance ng mga pulis kaya naman ng makausap aniya niya at magpaliwanag si dating 3rd District Councilor Atty.Grace Chua na ngayo’y City Budget na ay napag-alaman niyang dahil sa hindi ito naitatama dahil nasa discretion ng dating alkalde kong ibibigay o hindi ang kanilang mga allowance.
Inihalimbawa ng alkalde na ‘pag maganda ang gising ng dating alkalde ay puwede nitong ibigay ang allowamce ngunit kapag mainit naman ang ulo nito ay hindi naibibigay ang allowance ng mga pulis.
Kaya naman, sinabi ni Moreno na hindi ito maari kaya nagpatawag ng second peace and order council meeting upang makuha na ng mga miyembro ng kapulisan ang kanilang mga allowance.
Bukod dito, sinabi ng alkalde na nakatulong din ito sa national government gaya nang BJMP, PDEA at Parol Board upang kahit na sa maliit na kaparaanan aniya ay magamit sa kapayapaan ng lungsod.
Umaasa naman si Moreno na maging normal na ang pagre-release ng pondo. PAUL ROLDAN
Comments are closed.