ALMADRO BAGONG LADY EAGLES COACH

ALMADRO

MAY bago ng coach ang women’s volleyball  team ng Ateneo de Manila.

Batay sa report, si Oliver Almadro na ang gagabay sa koponan, kapalit ni Thai coach Anusorn ‘Tai’ Bundit, na iginiya ang Ateneo mula 2013 hang-gang 2018 at inihatid ang  Lady Eagles sa back-to-back UAAP championships sa Seasons 76 at 77.

Si Almadro ay ga­ling sa matagumpay na kampanya bilang head coach ng Ateneo men’s volleyball team, kung saan ginabayan nito ang Blue Eagles sa Finals mula 2013 hanggang 2018.

Sa ilalim ni Almadro, ang Blue Eagles ay nagwagi ng tatlong sunod na titulo, mula Seasons 77 hanggang 79.  Hinubog din niya ang mga national team-caliber player tulad nina five-time Most Valuable Player Marck Espejo at ace setter Ish Polvorosa.

Inaasahang dadalhin ni Almadro ang kanyang kakayahan sa Ateneo women’s volleyball program, na papasok sa bagong era matapos ang limang  seasons sa ilalim ni Bundit.

Gagabayan ni Almadro ang Lady Eagles sa kanilang pagpasok sa rebuilding phase, makaraang matapos ang anim na sunod na consecutive finals ap-pearances sa Season 80.

Mawawala na sa koponan ang kanilang top scorer na si  ­Jhoana Maraguinot makaraang talikdan ang kanyang final playing year. Wala pang kum-pirmasyon kung magbabalik sina star middle blockers Bea de Leon at Maddie Madayag para sa Season 81.

Papalitan naman si Almadro ni Timmy Sto. Tomas bilang head coach ng Blue Eagles.

 

3 thoughts on “ALMADRO BAGONG LADY EAGLES COACH”

Comments are closed.