Grabe ang naging bali-balita nitong nakaraang linggo. Umakyat ang dolyar kaya suwerte ang mga OFW kahit nagtaasan ang mga presyo. Bumagsak ang piso, at as usual, isinisi ito sa Pangulo. Ginamit ang inflation ng mga gustong baguhin ang gobyerno at umupo sa puwesto. Obvious na nagsipagbisita ang mga may interes sa Senado. Pero hindi naman kinagat ng madla dahil busy ang lahat sa paghahanda, sa tinatayang ikalawang Yolanda. Thank God we are survivors! Hindi tayo kayang itumba ni Ompong at ng mga politikong paguwapo kuno. Marami ang handang mag-donate at tumulong. Ang tanong, sapat ba ang banyo sa evacuees, lalo na sa mga may problema sa inidoro?
PAGBISITA SA ISRAEL
Hindi ako makapaniwala na si PRRD ang kauna-unahang Pangulo ng Filipinas, on an official capacity, na bumisita sa Holy Land. Ito ang bayang kapanganakan ni Hesukristo. Dito nakabase ang pananampalataya nating espiritwal. Tama lamang na tumungo roon ang pinuno ng sinasabing nag-iisang Kristiyanong bansa sa buong Asya. Nakapagtataka, hindi ba? Kung sino pa iyong inaakusahan na walang galang sa Maykapal, ang nagpakita ng magandang halimbawa. Action speaks louder than words. Hindi tuloy ako maka-get over sa pari na ipinagdarasal na magkasakit at pumanaw ang kaniyang kapuwa. Ito na ba ngayon ang tema sa pagsisimba? Patawarin po natin siya at pinaghalo niya ang misa sa politika. Palagay ko, constipated lamang at hindi success ang pag-upo sa trono ng mamang nakasutana.
ANG CONSTIPATION
Constipation ang tawag sa kondisyon kung saan nakararanas ng hirap sa pagdumi ang isang tao. O dili kaya ay bibihira lamang maramdaman ang urge na dumumi.
Dahil sa kondisyong ito, ang dumi na naiipon sa malaking bituka o large intestine ay nagiging matigas, tuyot at lalong mahirap ilabas. Ang pagkakaranas ng constipation ay maaaring dulot ng ilang mga bagay tulad ng kakulangan sa tubig, epekto ng ilang gamot, ilang karamdaman, o kaya naman problema sa mga muscle at nerves sa paligid ng colon o large intestine. Maaaring magdulot ito, kung palagian, ng hemorrhoids o almuranas. Madalas mangyari rin ito sa mga namamahay at hindi sanay sa banyong hindi kanila. Malamang nararanasan ito ng evacuees. Hindi lang kasi pagkain at inumin ang kanilang kailangan. Dapat may privacy rin sa pagbabanyo.
ANG ALMORANAS
Isa na siguro ang almoranas o hemorrhoids sa mga sakit na nahihiyang aminin o pag-usapan ng isang taong nagtataglay nito. Dahil ang apektado rito ay ang puwet. Namamana nga ba ito, o nakukuha sa pagkain ng maanghang? Sinasabi na ang almoranas ay pamamaga ng ugat sa puwitan na nagdudulot ng pagbabara sa daluyan ng dumi. Sa ilang sitwasyon, lumalabas sa puwet ang mismong namamagang ugat. Puwedeng walang sakit na nararamdaman ang may almoranas. Mayroon din na nakararamdam ng sobrang kirot ang iba kahit nasa loob ito. May mga nakararamdam ng pangangati sa puwitan. Minsan ay may nakikitang bahid ng dugo sa dumi. Ayon sa isang malawakang research, it is more common among the wealthy. Sakit din ng laging nakaupo. Sino nga ba ang mayayaman at laging nakaupo, your honor?
MGA DAHILAN
Marami ang dahilan ng almoranas, at hindi dahil sa pagkain ng maaanghang. Ang mga posibleng dahilan ay:
• Hindi regular na oras ng pagdumi
• Constipation o ilang araw na hindi makadumi
• Tamad mag-ehersisyo
• Low-fiber diet dahil ayaw sa gulay
• Prolonged straining o pag-iri
• Parating pag-uubo.
• Pagbubuntis dahil sa increased abdomen pressure
• Genetics o namamana
• Aging, dahil humihina ang digestion
• Negative thinking at maiinitin ang ulo
• Frustrations
DIET AS REMEDY
• No meat (chicken, pork or beef) x 1month
• No dairy (milk or cheese)
• No colas or iced tea (acidic)
• No instant coffee (acidic)
• No sweets (it becomes breeding ground for bacteria)
• No salty and junk food
• Eat less meat
• Eat more of veggies (half cooked steamed leafy vegetables)
• Eat fruits (especially swallow the black seeds on top of a papaya slice)
• Eat fish, but not fried
• Drink natural juices or boiled leaves of mango & guava
• Don’t take your medicine with cold water
• Don’t eat heavy meals after 6pm
• Don’t lie down immediately after meals
• Drink more water in the morning, less at night
*Quotes
“If you want to see the sunshine, you have to weather the storm.”
Frank Lane, author
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.