ALMUSAL, PINAKAMAHALAGANG PAGKAIN SA BUONG ARAW

Breakfast – kung direktang translation, ang breakfast o almusal (agahan) ang bumabasag sa mnagdamag na fasting period. Sa umaga, sa iyong paggising, pupunuan na ang suplay ng glucose (asukal) upang tumaas ang iyong energy level at maging alerto ka, habang binibigyan din ng nutrients ang katawan na kailangan ng katawan.

Sinasabing ang almusal ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Huwag ka nang kumain ng tanghalian, meryenda o hapunan, basta lang siguruhin mong kakain ka ng almusal. Although hindi raw naman masyadong nakaaapekto ito sa kalusugan, ngunit nakaaapekto naman ito sa taong concerned.

Breakfast kasi ang kick-start ng inyongmetabolism, na gtumutulong sa inyo upang masunog ang calories na ilalagay ninyo sa inyong katawan sa buong araw. Ito rin ang nagbibigay ng enerhiyang kailangan mo upang magawa ang mga dapat mong gawin sa buong araw, at tinutulungan ka ring maka-focus sa mga dapat mong gawin sa trabaho o sa iskwelahan.

Siguro naman, hindi na kayo kailangang kumbinsihing mahalaga ang almusal, pero bibigyan ko pa rin kayo ng sapat na dahilan para kumain ng almusal. Una, para maka-concentrated ka sa iyong ginagawa o gagawin pa. Ikalawa, kapag busog ka, mas masaya ka. Isa pa, kapag nag-almusal ka, hindi ka masyadongf gugutumin kaya makakaiwas ka sa mga unnecessary snacks na sa totoo lang, nakakataba.

Pag nag-almusal ka, makakaiwas ka rin sa heart palpitation, kaya makakasali ka sa mga physical activities at sa mga larong gusto mo. That case, magiging maayos rin ang iyong academic performance.

Kung nagda-diet kayo, pwede ninyong i-skip lahat ng meals, huwag lang ang almusal. Mas gugutumin ka kasi pag hindi ka nag-breakfast kaya mas mapaparami ang kain mo.

Napakahalaga ng almusa sa mga buntis para maging mas malusog ang sanggol sa kanilang sinapupunan.  Nabo-boost nito ang immune system kaya lumalakas din ang sanggol sa tiyan.

Malaking tulong ang heakthy breakfast sa katawan. Napatunayan nang nakatutulong ito both  physically and mentally. Bata ka man o matanda, malaking bagay kung nakapag-almusal bago gumawa ng kahit anong bagay dahil mas malinaw ang decision making. Kahit pa nagda-diet ka, so what? Hindi ba mas maganda kung energetic ka muna sa umaga bago unti-unting mauubos ang energy hanggang gumabi?

Sinasabing ang breakfast ay ‘the most important meal of the day’, and for good reason. Kung walang almusal, mahihirapan ang katawang gumising. Gayunman, mahalagang pumili ng tamang breakfast. Pumili ng tamang mix ng macronutrients na magbibigay sa utak at sa katawan ng lakas. Pumili ng pagkaing may halong carbohydrates, protein, healthy fats at fiber. Nagbibigay ang carbs ng energy agad-agad at ang protina naman ay magbu-boost sa iyo later.

Sa hindi pagkain ng almusal, nauubusan ang katawan ng essential nutrients, na nagiging dahilan upang mapagod agad, mairita at masita ang cognitive functions. Nagreresulta ito sa pagtaba, nutrient deficiencies, at paglaki ng posibilidad na magkaroon njg malubhang sakit.

Magandang almusal ang mga pagkaing nakabubiusoh tulad ng prutas, itlog, tinapay, nuts at smoothies. Pwede rin namang kanin, tapa at itlog na may kasamang kape, fresh fruit juice at gatas. Personally, ang almusal ko ay loaded oatmeal kung saan may gatas, dried at fresh fruits, nuts at walang sugar dahil hindi ako mahilig sa matamis.

May psychological aspect din sa pagkain ng almusal. Ang almusal kasi ay associated with comfort at marahang simula ng araw, habang ang hapunan ay tungkol naman sa social experiences. Meaning, sa almusal, walang alak dapat. Sa dinnefr, pwedeng meron.

Sa totoo lang, ang mga estudyante ay dapat kumain muna ng almusal bago pumasok sa iskwela. Dapat, no breakfast, no school. Kasi, sayang lang ang pagpasok sa iskwelahan kung wala rin naman palang maiintindihan. Ayon sap ag-aaral, mas mataas ang test scores ng breakfast eaters kesa mga hindi kumakain ng almusal.

Kaya ano pa ang hinihintay nyo? Kape tayo! Samahan nyo na rin ng pandesal.             

(RLVN)