(Alok ng ADC Kadiwa store para sa Valentine’s Day) VEGGIE BOUQUET, FOOD BASKET

NAG-ALOK ang Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng mga ADC Kadiwa store ng agri-inspired Valentine’s gift ideas, kabilang ang veggie bouquet at food basket para sa praktikal na pagmamahal sa nalalapit na Araw  ng mga Puso.

Iba’t  ibang gulay ang laman ng mga veggie bouquet at depende sa laman nito ang presyo.

Nagkakahalaga ng P80 hanggang P100 ang bouquet na may lamang sakto na pangsahog sa pinakbet gaya ng ampalaya, talong, sibuyas, sigarilyas, kamote, luya at kamatis.

Mayroon ding veggie bouquet na ang laman ay para sa ginisang upo, at nagkakahalaga ng P80-P100

Nagmula ang mga gulay na ito sa ani ng mga magsasaka sa Region 1 o ang Alcala Livestock and Cassave Growers Association.

Bukod sa veggie bouquet, mayroon ding available na food basket, na may lamang itlog at bulaklak sa halagang P350, mayroong ding fruit basket na naglalaro sa P400-P700 ang presyo.

Nagsimulang ialok sa ADC Kadiwa ang veggie bouquet at food basket noong Feb. 1 at tatagal hanggang sa Miyerkules o sa Araw ng mga Puso.

PAULA ANTOLIN