ALOK NG AIRASIA: PISO FARE SA DOMESTIC, INT’L FLIGHTS

SIMULA sa Lunes, Mayo 21, ay mag-aalok ang AirAsia Philippines ng P1 fare para sa piling domestic at international flights.

Ang P1 base fare sale ay tatakbo mula Mayo 21 hanggang Mayo 27 para sa biyahe mula Nobyembre 1 hanggang Agosto  13, 2019,  pahayag ng  AirAsia sa  Facebook page nito kahapon.

Hindi agad naabiso ang mga ruta na sakop ng sale, subalit pinayuhan ang mga pasahero na bumisita sa booking website nito.

Samantala, plano ng AirAsia na doblehin ang fleet nito na 220 airplanes sa loob ng 15 taon.

“(The group) targets to have a total of 520 planes in the next 15 years, so we’re confident that we could reach that another one billion mark,” wika ni AirAsia Philippines Chief Executive Officer (CEO) Dexter Comendador.

Nitong Mayo 18 ay ipi­nag­diwang ng AirAsia Philippines ang kalahating bilyong passenger mark nito sa Ninoy Aquino Inter-national Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Comendador, ang ika-500 milyong pasahero ng AirAsia Philippines, na isang Thai national, ay pinarangalan noong nakaraang Mayo 15.

“Air Asia (Group) CEO Tony Fernandes wanted to give that passenger three million ‘(big) points’, but he decided to give a life-time free travel for him and his wife,” anang airline official.

Ang masuwerteng pasahero ay kinilalang si Panut Oprasertsawat, na lumipad sa Bangkok mula sa Phu-ket noong Marso 18.

 

Comments are closed.