PUWEDE nang makakuha ang mga magsasaka ng cash advance sa gobyerno para sa kanilang pangangailangan bago ang anihan.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.
Ang credit facility, na itinayo ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at ng National Food Authority (NFA) ay nagla-layon na makawala ang mga magsasaka mula sa mga kamay ng loan sharks at negosyante, na nagpapatong ng malaking interest.
Ang ACPC at ang NFA ay nasa ilalim ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Piñol na ang credit facility na tinawag na Production Loan Easy Access (PLEA), ay magiging laan lamang sa mga magsasaka na papayag na ibenta ang kanilang ani sa NFA.
“The PLEA program is the government’s intervention to provide farmers an option to their “cash advance” requirements which they usually get from loan sharks and local traders who charge between 5% to 10% interest rates per month,” dagdag pa ni Piñol.
Sinabi niya na ang pautang ay walang kolateral at magkakaroon lamang ng 3-percent interest sa loob ng anim na buwan. Bawat magsasaka ay makakukuha ng hanggang PHP50,000.
“The loan is payable after the harvest season,” sabi pa niya.
Opisyal na ilulunsad ang credit facility sa Sultan Kudarat ngayong araw.
Ang susunod na pagtatanim ay malapit na pero ngayon pa lamang ay marami nang magsasaka ang nagsisimulang maghanda ng kanilang mga taniman.
Sinabi ni Piñol na ang mga magsasaka na gustong kumuha ng loan o gustong mangutang ay kailangang magtungo sa NFA of-fice o sa buying station na malapit sa kanila para magrehistro.
“As soon as he is registered, the DA, through the Information and Communication Technology Service (ICTS), will conduct a validation of his farm location, the size of land and his projected production through aerial mapping, geo-tagging and geo-referencing,” sabi ni Piñol.
Sinabi niya na matapos ang validation, ang kumukuha o nangungutang na magsasaka ay makikipagkasundo sa marketing agreement sa NFA.
Nakatala sa kasunduan na ang magsasaka ay magbebenta lamang ng kanilang ani sa NFA at ang ahensiya ng bigas ay papa-yagan na magbawas mula sa kita ng ani ng halaga ng babawasin sa kanyang utang.
Sinabi ni Piñol na lahat ng tanim na pinondohan sa ilalim ng PLEA loan ay awtomatikong nakaseguro sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). PNA
Comments are closed.