MAY 122,000 trabaho ang iaalok sa job and business fairs sa Independence Day na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay DOLE Region 3 assistant director Alejandro Inza Cruz, magtatayo ang ahensiya ng 23 sites sa buong bansa para sa Independence Day Job and Business Fairs nito.
“Naghanay po ang DOLE ng trabaho, negosyo, kabuhayan business fairs sa ating buong Pilipinas. Mayroon po tayong mga 122,000 more or less job vacancies na io-offer sa ating publiko,” sabi ni Cruz.
Aniya, 95,000 sa job opportunities na ito ay local, habang 27,000 ang sa ibang bansa.
Para sa trabaho sa ibang bansa, marami ang nangangailangan ng nurses, factory workers, household workers, carpenters, electricians, masons, at cleaners sa Middle East, Asia, Europe, at Australia.
Ilang ahensiya ng gobyerno ang mangangalap din ng mga manggagawa sa event.
Bukod sa mga alok na trabaho, magkakaroon din sa event ng mga aktibidad na may kinalaman sa trade, livelihood, skills, grants, at assistance para sa mga participant.
Para sa listahan ng venues para sa job and business fairs, maaaring bisitahin ang website ng DOLE.