MAY ALOK na summer jobs ang Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga estudyante.
Ayon kay Dominique Rubia-Tutay, tagapangasiwa ng DOLE Bureau of Local Employment, bukod sa kita ay layunin din ng naturang programa na mahubog at mahasa ang kasanayan ng mga kabataan habang estudyante pa lamang.
Bukas ang programa sa mga estudyanteng may edad 15 hanggang 30.
Ani Rubia-Tutay, prayoridad nila ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante.
“Ang priority natin diyan ‘yung mga poor at deserving student so we look at the income of the family,” dagdag pa niya.
Isa sa mga kailangan ng mga estudyanteng mag-aaplay sa summer jobs ay pasadong grado.
Pasok din sa programa ang mga ‘out of school youth’ na nais bumalik sa pag-aaral.
Sinabi pa ni Rubia-Tutay na dadaan sa proseso ang aplikasyon dahil limitado lamang ang bilang ng mga estudyanteng bibigyan ng summer jobs.
Comments are closed.