(Alok ng DOTr, Grab) LIBRENG SAKAY SA PASAHERO SA NAIA

DOTr Secretary Arthur Tugade

MAG-AALOK ng libreng shuttle service ang Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Grab Philippines, para sa mga pasaherong nagmumula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at tutungo sa anumang lugar sa National Capital Region (NCR).

Magsisimula ito sa Hunyo 15 at magtatagal hanggang Hunyo 30.

Ayon kay Mark Steven Pastor, Undersecretary for Road Transportation and Infrastructure ng DOTr, ang inisyatibo ay dagdag sa nagpapatuloy na ‘Libreng Sakay’ program sa MRT-3.

Aniya, bilang pasasalamat na rin ito kina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade.

Nasa 100 Grab rent shuttles ang ipakakalat sa paliparan na magagamit mula alas-8 hanggang alas-11 ng gabi.

Para maka-avail, magtungo lang sa Grab booth sa arrival areas ng NAIA Terminals 2 at 3. DWIZ 882