ALOK NG FOREIGN FIRMS SA PH: DAAN-DAANG TRABAHO

TRABAHO

MAY alok na mga trabaho ang mga dayuhang kompanya sa bansa.

Ang Swedish home furniture retailer na IKEA ay nangangailangan ng 500 manggagawa para sa kanilang kauna-unahang store sa bansa sa Pasay City.

Kabilang sa mga bakanteng posisyon ay sales associate, food asisstant, customer service associate, safety and security specialist, technician at karpintero.

Bukas din sila sa part-timers para sa ilang posisyon tulad ng cashier at warehouse assistant.

Naghahanap naman ang British technology firm na Dyson ng 400 highly-skilled engineers para sa kanilang software lab na itatayo sa Muntinlupa.

Ito ay bahagi ng kanilang global research, design and development team.

Samantala, sa website ng job portal na Trabahanap ay nangunguna ang call center sa mga in-demand na trabaho na may mahigit 19,000 bakanteng posisyon.

Mahigit sa 4,000 naman ang nangangailangan ng delivery driver at rider.

Pasok din sa Top 5 job demands ang sales person, construction worker, at factory o production worker.

Comments are closed.