MAY 2,500 government-controlled sites ang inialok ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para mapabilis ang konstruksiyon ng common telecommunications towers sa bansa.
Gayunman, sinabi ni DICT officer-in-charge Eliseo Rio na ang pagtukoy sa common tower sites ay nakadepende pa rin sa telcos.
Ayon kay Rio, may 23 local at foreign providers ang interesadong magtayo ng common towers sa bansa.
“We are helping the industry, hindi lang Mislatel dahil may common towers,” aniya, patungkol sa Mislatel consortium na naging third major telco player sa bansa.
Nauna nang sinabi ni Rio na target ng pamahalaan na makapagtayo ng 50,000 bagong cell sites sa susunod na limang taon.
Comments are closed.