(Alok ng gobyerno) LOW INTEREST LOANS SA SMALL BIZMEN

DTI-Sec-Ramon-Lopez

MAAARING makautang ang  small  and medium enterprises ng hanggang P500,000 upang makabangon mula sa  coronavirus 2019 (COVID-19) lockdown.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ang pamahalaan ay nag-aalok ng hanggang P200,000 para sa micro SMEs at hanggang P500,000 para sa medium-sized firms, na may 0.5 percent monthly interest at maaaring bayaran sa loob ng 2 hanggang 5 taon. Magkakaroon ng grace period na 5 hanggang 6 buwan para sa pagbabayad.

Ang micro businesses ay may  P3 million na assets, ang maliliit na kompanya ay may P3 million hanggang P15 million, habang ang  medium enterprises ay may  P15 million hanggang P100 million na assets.

“Ayuda ito sa kanilang working capital para makabangon agad (This will boost their working capital, helping them recover),” ani Lopez.

Ayon pa sa kalihim, ang loan fund na tinawag na ‘Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso’ ay kabibilangan din ng food carts.

Ang mga negosyante ay maaaring mag-apply para sa loans sa Negosyo Centers ng DTI matapos ang lockdown sa April 12.