MAY libreng sakay sa mga tren para sa mga kawani ng pamahalaan sa Lunes, Setyembre 19, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ng DOTr na kaugnay ito sa “Treats to Government Workers” program ng Civil Service Commission (CSC) bilang selebrasyon sa anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Ang mga makikibahaging lines ay ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit-2 (LRT-2), at ang Philippine National Railways (PNR).
Para sa MRT-3 at LRT-2, ang libreng sakay ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga; at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Sa PNR naman ay buong araw ang libreng sakay (una hanggang huling trip sa lahat ng operational routes) depende sa availability ng train set.
Para maka-avail ng libreng sakay, ang mga qualified personnel ay kailangan lamang magpakita ng IDs bilang proof of employment sa anumang ahensiya o tanggapan ng pamahalaan.