(Alok ng OWWA) P50K REPATRIATION ASSISTANCE SA OFWs SA ISRAEL

OWWA

TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pangunguna ni Administrator Arnaldo Ignacio, na aayudahan ang mga overseas Filipino worker na apektado ng Israel-Hamas war.

Ayon kay Ignacio, batid ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga Pinoy sa nasabing bansa kaya naman pinaigting ang pagsisikap para matu­lungan ang mga Pinoy na naiipit sa giyera sa Israel.

Naglaan ang OWWA ng financial assistance sa bawat Filipino worker na apektado ng kaguluhan.

Ang financial aid ay naglalayong matulungan ang OFWs na may magamit sa immediate basic needs at mabawasan ang financial burdens sa mapaghamong oras.

Dahil sa nagaganap na bakbakan, inialok na rin ng OWWA ang repatriation assistance package na P50,000 bawat papauwing OFW.

“This financial support aims to address the needs of their families and help them transition smoothly back to their loved ones,” pahayag ng OWWA.

Kasama rin sa tulong ng OWWA ang airport and transportation assistance para sa pauwing OFWs.

EVELYN QUIROZ