ALOK NG PAL: 20% DISCOUNT SA UNIFORMED PERSONNEL

PAL

MAY alok na 20% discount ang flag carrier Philippine Airlines (PAL) sa uniformed personnel sa piling fare brands nga­yong holiday season.

Sa isang statement, sinabi ng PAL na ang discount ay isang “special treat” ngayong holiday season para sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Para maka-avail ng discount, kailangang iprisinta ng mga traveler ang kanilang AFP, PNP, PCG, o BJMP identification card.

“This special offer applies to active AFP, PNP, PCG, and BJMP Filipino personnel,” ayon sa PAL.

Ayon sa airline, ang discount privilege ay gagamitin sa base fare ng Economy Saver at piling Supersaver Fare brands ng PAL domestic flights.

“AFP, PNP, PCG, and BJMP personnel have until December 31, 2020 to buy their domestic tickets and avail of the 20% dis-count,” sabi pa ng PAL.

Ang travel period ay hanggang June 30, 2021.

Comments are closed.