ALOK NG RECRUITMENT FIRM: TRABAHO SA 4Ps BENEFICIARIES

SMSI

MAY alok na trabaho ang isang recruitment firm para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE), hangad ng Starboard Manpower Services na mabigyan ng hanapbuhay ang mga senior high school graduate at miyembro ng mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps.

Kabilang sa mga alok na trabaho ay mula sa services sector tulad ng  merchandisers, drivers, office staff, service crew, cashier, data encoder, at ac-counting staff.

Isa sa bawat pamilya ng 4Ps ang target na mabigyan ng trabaho kung saan makakakuha ito ng employment assistance mula sa DSWD.

Ayon kay Joel Cam, 4Ps regional program coordinator ng DSWD sa National Capital Region (NCR), ang mga may pangangailangan sa requirements at sa mga unang araw sa trabaho gaya ng pamasahe at pag-asikaso ng medical requirements ay maaari nilang tulungan.

“Mayroon kaming online application, mayroon ding through Facebook, puwede silang pumunta roon. ‘Yong offices namin open kami sa lahat ng re-gions,” sabi naman ni Manuel Gorobat Jr. ng Starboard.

Ayon sa DSWD, itutuloy ng ahensiya ang pagsasagawa ng job fairs para sa 4Ps beneficiaries sa iba’t ibang rehiyon.

Comments are closed.