(Alok ng TESDA) LIBRENG TECH VOC TRAINING SA UMUWING OFWs MULA LEBANON

MAGKAKALOOB ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng technical at vocational training sa overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng nagpapatuloy na bakbakan sa Lebanon.

Binigyang-diin ni TESDA Director General Jose Francisco “Kiko” Benitez na nakahanda ang ahensiya na mag-alok ng malawakang libreng skills training programs at livelihood para matulungan ang returning workers na muling itayo ang kanilang careers o tumuklas ng entrepreneurial opportunities.

“Our OFWs have made tremendous sacrifices to support their families and contribute to our economy. It is only fitting that we, in turn, provide them with the support they need to reintegrate and succeed as they return home,” sabi ni Benitez.

“Through our programs, we aim to offer not just training but a new start — whether through employment or entrepreneurship — to help them rebuild their lives with dignity,” dagdag pa niya.

Ang mga OFW mula Lebanon ay inaasahang darating sa bansa mula October 11 hanggang 29, 2024.

Ang mga uuwing OFWs ay maaaring lumapit sa TESDA personnel na nakatalaga sa iba’t ibang airport terminals para magtanong hinggil sa kung paano maa-avail ang training services.

Ayon kay Benitez, mag-iisyu ang TESDA ng Certificate of Commitment sa returning OFWs bilang katibayan ng scholarship assistance mula sa TESDA.

Ang TESDA ay bahagi ng whole-of-government approach na pinamumunuan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., na pinakikilos ang mga ahensiya tulad ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration, at Department of Foreign Affairs upang tumugon sa mga kagyat na pangangailangan ng repatriated workers.

Maaari ring i-access ng returning workers ang Online Programs ng TESDA, na nag-aalok ng iba’t ibang online courses para sa flexible learning.