(Alok sa customers sa Metro Manila) BILL SA TUBIG, KORYENTE UNTI-UNTIIN

MAAARING unti-untiin ang bayad sa mga naipong lockdown bill sa tubig at koryente ng mga residente sa Metro Manila.

Magbibigay ang Meralco ng tatlong buwan na palugit para sa mga consumer na hindi pa nakakabayad.

“Ang standard namin is magbigay ng 3 months na palugit doon sa mga nakikiusap at on a case-to-case basis may mga pakiusap na mas mahaba nang kaunti, so napagbibigyan naman natin ‘yan,” wika ni Meralco Chief Commercial Officer Ferdie Geluz.

Hindi naman, aniya, sila magpuputol ng koryente sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Ang mga customer ng Maynilad ay maaari namang makiusap na pumirma ng promissory note na hanggang 6 na buwan ang installment ng pagbabayad.

“Ang unang option ay 50 percent down at ‘yung balanse ay babayaran ng 3 months, kung umapela ang ating customerr, ang susunod na option ay bababaan natin ang downpayment sa 30 percent at ‘yung balanse ay 3 months pa rin pero kung makita natin na sobrang laki talaga ng balanse at mahihirapan sa monthly amortization, maaari titingnan natin kung mabibigyan ng anim na buwan,” sabi ni Maynilad Spokesman Zmel Grabillo.

Maaari ring mag-promisory note ang mga customer ng Manila Water ngunit kailangang bayaran ang 50 porsiyentong naipong bill at hahati-hatiin sa tatlong buwan ang nalalabing bill.

Ayon kay Manila Water Spokesperson Dittie Galang, kung hindi naman kayang bayaran ng customer agad-agad ang downpayment ay maaaring makipag-usap ang mga customer sa kanilang territory managers para i-assess ang kanilang specific na kaso at maaari pa rin naman silang bigyan ng mas maluwag na terms kung kinakailangan.

Itutuloy na ng dalawang water concessionaires ang disconnection activities sa Oktubre maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

5 thoughts on “(Alok sa customers sa Metro Manila) BILL SA TUBIG, KORYENTE UNTI-UNTIIN”

  1. 619035 146095We clean up on completion. This may possibly sound obvious but not many a plumber in Sydney does. We wear uniforms and always treat your home or workplace with respect. 87835

Comments are closed.