(Alok sa Independence Day job fairs ng DOLE) HIGIT 72K TRABAHO

DOLE

MAHIGIT sa 72,000 job vacancies ang bubuksan sa 125th Independence Day jobs fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE-Bureau of Labor and Employment, ang naturang mga trabaho ay iaalok sa 48 job fair sites sa buong bansa, kung saan 889 employers ang inaasahang lalahok.

Karamihan sa mga bakanteng trabaho ay magmumula sa business process outsourcing, manufacturing, retail and sales, construction, at financial and insurance activities.

Samantala, ang top job positions na iaalok ay para sa customer service representative, production worker/operator, sales clerk, cashier, laborer, lineman, financial consultant/advisor, at microfinance officer.

Pinayuhan ng DOLE ang mga aplikante na ihanda ang mga kinakailangang application requirements bago magtungo sa job fair sites.

Ang mga requirements ay kinabibilangan ng resume o curriculum vitae, certificate of employment para sa mga dating may trabaho, diploma, at transcript of records.