MAGSASAGAWA ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng simultaneous job and business fair sa 29 lugar sa buong bansa sa Mayo 1 sa paggunita sa Labor Day.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inisyal na inilagay ng Bureau of Local Employment sa mahigit 1,500 ang participating employers na mag-aalok ng mahigit sa 200,000 local at overseas jobs sa massive ‘Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK)’ at ‘Build Build Build’ job and business caravan.
Ang main site para sa pinagsamang TNK-BBB job and business fair ay ang Kingsborough International Convention Center sa San Fernando, Pampanga, kung saan nasa inisyal na 150 employers—130 local at 20 overseas placement agencies— ang mag-aalok ng trabaho.
Karamihan sa available local jobs ay sa larangan ng construction sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan, habang ang skilled professionals, kabilang ang English teachers para sa Thailand, ay bukas para sa overseas placement.
Ang iba pang job and business fair sites ay sa Ayala Mall South Park, Muntinlupa City; Vista Mall, Tuktukan, Taguig City; at City Social Hall and Sports Complex, Parañaque City sa National Capital Region.
Sa Luzon, ang TNK sites ay kinabibilangan ng Baguio City High School–Main Campus sa Cordillera Administrative Region; Magic Mall, Urdaneta City, Pangasinan; Robinsons Ilocos Norte Activity Center, San Nicolas, Ilocos Norte; at Pangasinan PESO Compound, Lingayen, Pangasinan sa Region 1; Cagayan Coliseum, Tuguegarao City, Cagayan sa Region 2; Provincial Government of Bulacan (April 30); Provincial Government of Nueva Ecija; at Bocaue, Bulacan (May 2) sa Region 3.
Sa Luzon pa rin, magkakaroon ng job and business fair sites sa Calabarzon sa Pacific Mall, Lucena City, Quezon; at Robinson’s Mall, Tejero, City of General Trias, Cavite (May 2); sa Mimaropa sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex, Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro; at Puerto Princesa City, Palawan; at sa Bicol Region sa Pacific Mall, Legazpi City, Albay.
Ang mga jobseeker sa Visayas region ay maaari namang bumisita sa TNK sites sa Robinson’s Place-Jaro, Iloilo City (Region 6); Trade Hall, SM City Cebu; Mandaue City Hall, Centro, Mandaue City; Social Hall, Cebu Provincial Capitol; at Main Atrium, Robinson’s Place, Calindagan, Dumaguete City, Negros Oriental (Region 7); at Tacloban Convention Center, Tacloban City; at Ormoc City Superdome, Ormoc City (Region 8).
Sa Mindanao, ang job fair sites ay kinabibilangan ng KCC Mall de Zamboanga (Region 9); The Atrium, Limketkai Mall, Cagayan de Oro City (Region 10); Gaisano Mall of Davao City (Region 11); KCC Conven-tion and Events Center, General Santos City (Region 12); at Balanghai Hotel, Doongan Road, Butuan City (Caraga).