MAY libreng sakay ang rail lines sa Metro Manila para sa mga Filipino seafarer sa Linggo, June 25, bilang pagdiriwang sa Day of the Filipino Seafarer.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Maritime Industry Authority (MARINA) ay mag-aalok ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Samantala, ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay mag-aalok ng libreng sakay sa buong araw, simula alas-5:30 ng umaga.
Kailangan lamang ng mga seafarer na ipakita ang kanilang valid Seafarer’s Record Book (SRB) o Seafarer’s Identity Document (SID) para maka-avail ng libreng sakay.
Ang LRT2 ay isang elevated railway mula Recto sa Manila hanggang Antipolo, habang ang MRT3 ay tumatakbo sa EDSA Avenue na may mga istasyon sa North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City.