ALOKASYON NG SUPLAY NG TUBIG SA METRO MANILA TINAASAN

SIMULA  Hunyo 16 hanggang Hunyo 30 ay dadagdagan ng National National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig ng water concessionaire na Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng 53 cms upang makatiyak na hindi magkakaroon ng problema sa suplay ng tubig ang Metro Manila.

Ito ay matapos aprubahan ng NWRB na attached agency ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kahilingan ng MWSS noong Martes.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Carlos Primo David, ang 53 cms ay itinaas mula sa 51 cms na alokasyon nito mula Hunyo 1-15. 52 cms lamang ang unang hiniling na karagdagang alokasyon ng MWSS bago dinagdagan ito ng 53 cms ng NWRB.

Ayon kay MWSS Administrator Leonor Cleofas, ang kanilang kahilingan na karagdagang alokasyon ay isang hakbang upang makatiyak na walang magiging water interruption sa Metro Manila.

Paliwanag ni Cleofas, ang karagdagang alokasyon ay magsisilbing standby volume lamang.

Ayon sa mga water official, bumagal ang pagbaba ng level ng tubig sa Angat lalo na at nagsimula na ang panahon ng tag -ulan ngayong Hunyo.

Noong huling dalawang linggo ng Mayo, nasa 49 cms lamang ang alokasyon ng MWSS dahil sa pagbaba ng level ng tubig sa Angat dam dahil sa epekto ng El Nino o tagtuyot.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrologist Juan Elmer S. Caringal hindi pa sapat ang ulan at thunderstorm kung kaya may panahon na bumababa pa rin ang level ng tubig sa Angat Dam, at bahagyang umaangat kapag sobrang lakas ng ulan. Lalo panyaiya at nakararanas ng mainit na panahon pa rin ang ibang bahagi ng bansa bagamat nagsimula na ang rainy season.

Nitong Biyernes, June 14 mababa ng 32.28 meters sa 210 meter normal high water level ang level ng Angat Dam.

Ang Angat Dam ay nagsusuplay ng 90% ng Metro Manila at pangangailangan sa irigasyon ng ng 25,000 ektarya ng sakahang lupain ng Bulacan at Pampanga. MA. LUISA MACABUHAY- GARCIA