HINDI muna babawasan ang aloksyon ng tubig ng Maynilad at Manila Water mula Angat Dam hanggang katapusan ng Abril.
Subalit sa susunod na buwan, namumurong magkaroon ng water interruption o mahinang pressure ng tubig.
Ito ang inamin ng Maynilad at Manila Water sa posibilidad na bawasan ang alokasyon ng tubig kung mas bababa sa 189 meters ang water level sa Angat Dam sa May 1 .
Ayon kay Engineer Ronald Padua, head ng Maynilad Water Supply Operations, sa gabi lamang sila magbabawas ng water pressure at magkakaroon ng service interruption.
Tiniyak naman ni Dittie Galang, head ng Manila Water Corporate Communications, na tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga nila ipatutupad ang pagbabawas ng tubig.