Maria Lourdes Jalandoni Salvador ang tunay niyang pangalan, isinilang noong January 1, 1948 at namatay noong December 9, 2018. Mas kilala siya sa kanyang screen name na Alona Alegre. Hindi siya naging bida sa mga pelikula — madalas na anti-hero ang kanyang role — ngunit hindi makakalimutan ang malaanghel niyang mukha at ang super sexy niyang katawang naging puhunan niya sa larangang kanyang pinili — ang pag-aartista.
Hindi ito kataka-taka dahil ang mga magulang niya ay ang original cassanova ng Philippine movies na si Lou Salvador at ang equally beautiful actress na si Inday Jalandoni.
Isa siya sa 102 anak na inangkin ni Lou Salvador, kung saan may iba pa siyang sikat na mga kapatid tulad nina Lou Salvador, Jr., Phillip Salvador at Ross Raval. Of course, alam naman nating anak ni Phillip si Joshua Aquino kay Kris Aquino. Not to mention Maja Salvador na naabot din ang kasikatan at papuri.
Going back to Alona, pitong taon pa lamang siya noong 1955 ay naging child star na siya sa pelikulang Tagapagmana ng LVN Pictures.
Kung buhay pa ngayon si Alona, marahil ay kasa-kasama siya sa kampo ni Pres. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., dahil isa siyang tunay na Marcos loyalist. Pinangunahan niya noong 1987 ang pro-Ferdinand rally sa Plaza Nuestra Señora de Guia sa Ermita at pinangunahan din niya ang rebelyon ng Northern Police District para i-takeover ang GMA Network television station.
The rest is history. Nailibing si Marcos Sr. Libingan ng mga Bayani sa panahon ng panunungkulan ni President Rodrigo Duterte, at ngayon nga ay pangulo ng Pilipinas si Bongbong Marcos.
Kaye VN Martin