ALTAS, BLAZERS SUMALO SA MAAGANG LIDERATO

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – SSC-R vs Arellano
3 p.m. – San Beda vs EAC

TINAMBAKAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang Jose Rizal University, 84-60, para sa buena manong panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Hataw si Rey Barcuma ng career-high 22 points sa 10-of-11 shooting para sa Altas na kumawala sa third period upang makapasok sa win column.

Sinamahan ng Perpetual, umabot sa Final Four noong nakaraang season, ang opening day winners Arellano University at Mapua sa maagang liderato.

Nakipagtuwang si Barcuma kina veterans Kim Aurin at Jielo Razon para sa 28puntos ng Altas sa third quarter na bumali sa likod ng Bombers.

“They run it properly, sumunod sa sistema. Sana ganyan kami lagi para maging competitive kami sa (Season 98),” sabi ni coach Myk Saguiguit.

Nag-ambag si Razon ng 13 points, 7 rebounds at 2 assists, gumawa rin si Mark Omega ng 13 points at 9 boards, habang naitala ni Aurin ang lahat ng kanyang 7 points sa pivotal third quarter para sa Perpetual.

“We made a lot of adjustments. Ang sabi ko sa kanila, relax lang tayo. Alam ninyo naman kung saan tayo malakas. Yung lahat ng ipinakita sa first half, hinayaan na namin,” ani Saguiguit.

Si Jonathan Guiab ang nag-iisang JRU player sa double-digit na may 15 points.

Sa ikalawang laro ay pinataob ng College of Saint Benilde ang Lyceum of the Philippines University, 86-69.

Nanguna si Robi Nayve para sa Blazers sa kinamadang 18 points.

Iskor:
Unang laro:
Perpetual (84) — Barcuma 22, Razon 13, Omega 13, Aurin 7, Roque 5, Ferreras 5, Abis 4, Nitura 4, Egan 2, Boral 2, Martel 2, Nunez 2, Flores 2, Orgo 1, Cuevas 0.
JRU (60) — Medina 15, Guiab 9, Arenal 6, Sy 5, Delos Santos 4, Miranda 4, De Jesus 4, Dela Rosa 3, Dionisio 3, Villarin 3, Amores 2, Celis 2, Joson 0, Abaoag 0, Gonzales 0, Tan 0, Famaranco 0.
QS: 12-21, 37-36, 65-51, 84-60

Ikalawang laro:
CSB (86) — Nayve 18, Oczon 13, Gozum 12, Cullar 12, Sangco 8, Pasturan 8, Corteza 8, Marcos 4, Cajucom 3, Carlos 0, Davis 0, Lepalam 0, Dimayuga 0, Flores 0, Lim 0.
LPU (69) — Bravo 12, Navarro 11, Umali 10, Barba 9, Montaño 9, Guadaña 8, Valdez 7, Larupay 2, Penafiel 1, Cunanan 0.
QS: 18-25, 45-40, 58-55, 86-69.