ALTAS LUSOT SA STAGS SA OT

ALTAS-3

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- EAC vs MU (jrs)

10 a.m.- JRU vs AU (jrs)

12 nn.- EAC vs MU (srs)

2 p.m.- JRU vs AU (srs)

4 p.m.- CSJL vs LPU (srs)

6 p.m.- CSJL vs LPU (jrs)

NAIPAGPATULOY ng University of Perpetual Help System Dalta ang dominasyon nito sa San Sebastian College nang maitarak ang come-from-behind 85-77 victory sa overtime upang mapalakas ang kanilang kampanya sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakahabol ang Altas sa 5-point deficit, may isang minuto ang nalalabi sa regulation play upang maipuwersa ang OT at pagkatapos ay nadominahan ang Stags sa extra time upang kunin ang kanilang ika-5 sunod na panalo at ika-10 sa  overall sa 15 asignatura, sapat upang manatili sa ‘magic four’.

“San Sebastian is a strong team, they have materials to engage. We’re just luck to come back from five points down in the last minute. We’re just lucky and sometimes it’s better to be lucky than good,” wika ni Perpetual Help coach Frankie Lim.

Umiskor si Jelo Razon ng lay up at bumanat si Edgar Charcos ng isang three-point play upang maiposte ang 69-all deadlock.

Gayunman ay nagmintis si Charcos sa potential game-winning layup habang paubos ang oras sa regulation upang maipuwersa ang extra five minutes.

Sa overtime ay na-outscore ng Alta sang  Stags, 18-6, upang selyuhan ang panalo.

Lalong lumakas ang tsansa ni Prince Eze para sa MVP plum kung saan naglaro siya ng buong 45 minuto ay tumirada ng game-highs 25 points, 23 rebounds at 4 blocks.

“I just try to maximize our foreign player, if Prince becomes MVP, I will have two MVPs, that’s not bad,” ani Lim, na siya ring coach ng San Beda nang makopo ni American Sudan Daniel ang highest individual plum ng liga.

Nagpakita si Eze ng mala­king pagbabago sa pagbuslo sa free throws at nagtala ng nine-of-11 makaraang sumalang sa laro na nakapagsalpak lamang ng 56 mula sa 102 attempts para sa 54.9 percent.

“He’s practicing every day, shooting at least 100 a day,” sabi ni Lim patungkol kay Eze.

Bumagsak ang Stags sa 4-11.

Sa ikalawang laro ay tinambakan ng defending champion San Beda University ang  De La Salle-College of St. Benilde (CSB), 77-55.

Kumarera ang Red Lions sa 14-4 kalamangan, wala nang apat na minuto ang nalalabi sa opening quarter. Isa itong wire-to-wire victory para sa defending champs, na umabante ng hanggang 24 points sa fourth quarter.

Muling nanguna si Robert Bolick para sa San Beda na may 19 points sa 6-of-9 shooting, bukod pa sa 3 rebounds at 4 assists.  Nagtala rin ng double figures sina Javee Mocon (13 points), Donald Tankoua (13 points, 10 rebounds, 3 blocks) at  Calvin Oftana (10 points).

Ito ang ika-8 sunod na panalo ng Red Lions, na may 14-1 kartada upang makatabla ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa ibabaw ng standings. Sa panalo ay nakasiguro ang defending champions sa playoff para sa twice-to-beat advantage sa semifinals.

Bumagsak naman ang Bla­zers sa 8-7 upang mangulimlim ang kanilang pag-asa para sa ‘Final 4’.

Iskor:

Perpetual Help (85) – Eze 25, Coronel 15, Razon 13, Charcos 12, Aurin 9, Peralta 9, Mangalino 2, Cuevas 0

San Sebastian (77) – Capobres 18, Ilagan 16, Bulanadi 16, Calisaan 8, Valdez 8, Calma 4, Baytan 3, Sumoda 2, Villapando 2, Dela Cruz 0, Desoyo 0, Isidro 0, Are 0, Arciaga 0

QS: 17-9, 30-21, 49-43, 69-69, 85-77 (OT)

Comments are closed.