Standings W L
Benilde 8 2
LPU 8 3
Letran 8 3
JRU 5 2
San Beda 6 4
Perpetual 5 6
Arellano 4 6
SSC-R 3 5
Mapua 3 9
EAC 1 11
Laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
3 p.m. – SSC-R vs Letran
DINISPATSA ng University of Perpetual Help System Dalta ang San Beda sa overtime, 75-72, upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa sa Final Four sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Naipuwersa ng Red Lions ang turnover sa huling 13.2 segundo, ngunit nagmintis si Justine Sanchez sa open triple na nagbigay sana ng panalo sa tropa ni coach Yuri Escueta.
Na-split ni Joey Barcuma ang free throws, may 1.5 segundo ang nalalabi, upang selyuhan ang panalo para sa Altas.
Ito ang unang panalo ng Perpetual laban sa San Beda magmula noong September 30, 2016, isang 87-83 Final Four victory. Magmula noon, ang Altas ay natalo ng l10 sunod kontra Red Lions.
Ang pagkatalo — ang ika-4 sa 10 games – ay nagpanatili sa San Beda sa labas ng Final Four range.
Sa kanilang ika-5 panalo sa 11 laro, lumaki ang pag-asa ng Perpetual na makausad sa susunod na round sa ikalawang sunod na taon.
Nanguna si John Abis para sa Altas na may 21 points at 9 rebounds. Nagtala siya ng 9-of-9 mula sa free throw line, kabilang ang apat na sunod na nagbigay sa Perpetual ng 74-70 kalamangan.
Sa ikalawang laro, tumipa si Warren Bonifacio ng 18 points habang umiskor si Mark Cuenco ng career-high 16 points nang malusutan ng Mapua ang mabagal na simula upang gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 77-67, para sa ikatlong panalo sa 12 laro.
Nakipagsanib-puwersa si Bonifacio kina Rence Nocum at Toby Agustin sa 27-10 third quarter ng Cardinals at kinuha ang kalamangan at hindi na lumingon pa.
Iskor:
Unang laro:
Perpetual (75) — Abis 21, Ferreras 17, Omega 9, Martel 8, Egan 7, Barcuma 7, Razon 4, Nitura 2, Pagaran 0, Boral 0.
San Beda (72) — Bahio 14, Alfaro 14, Andrada 13, Cuntapay 8, Ynot 6, Kwekuteye 5, Cortez 5, Payosing 4, Sanchez 3, Cometa 0, Jopia 0, Visser 0.
QS: 16-12, 35-28, 50-46, 66-66, 75-72
Ikalawang laro:
Mapua (77) — Bonifacio 18, Cuenco 16, Nocum 11, Agustin 9, Hernandez 8, Pido 6, Soriano 4, Mercado 3, Salenga 2, Garcia 0, Lacap 0, Igliane 0.
EAC (67) — Cosejo 18, Balowa 11, Liwag 9, Maguliano 7, Cosa 7, Luciano 5, Tolentino 4, Bajon 4, Umpad 2, Ad. Doria 0, An. Doria 0, Angeles 0.
QS: 8-23, 30-43, 57-53, 77-67.