ALTAS PINAYUKO ANG GENERALS

Charcos

Mga laro ngayon:

 (Filoil Flying V Centre, San Juan)

 8 a.m.- JRU vs CSJL (jrs)

10 a.m.- AU vs SSC-R (jrs)

12 nn.- JRU vs CSJL (srs)

2 p.m.- AU vs SSC-R (srs)

 4 p.m.- MU vs LPU (srs)

 6 p.m.- MU vs LPU (srs)

NASINGITAN ng University of Perpetual Help System Dalta ang Emilio Aguinaldo, 76-74, upang kunin ang solo third place sa 94th NCAA senior basketball tournament kahapon sa EAC Gym sa Manila.

Nagbuhos si Edgar Charcos, isang rookie transferee mula sa University of the East,  ng 22 points, habang nag-ambag si Prince Eze ng 15 points, 22 rebounds at 9 blocks upang pangunahan ang  Altas sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa tatlong asigna-tura at umakyat sa No. 3 sa likod ng Lyceum (4-0) at San Beda (2-0).

Muntik nang magtala si Kim Aurin, isang transferee mula sa Jose Rizal, ng triple-double bago nagtapos na may 12 points, 9 re-bounds at 8 assists.

Sinabi ni Perpetual Help coach Frankie Lim na bumilib siya sa kung paano tumugon ang 6’9 na si Eze sa kanyang hamon na pigilan si Hamadou Laminou ng Cameroon, na nalimitahan sa 12 points lamang matapos sumalang sa laro na may  league-best average na 24 points.

“I told him (Eze) it’s his job to limit Hamadou Laminou and he responded,” wika ni Lim.

May pagkakataon ang EAC na ihatid ang laro sa overtime subalit sumablay si Jerome Garcia sa kanyang jumper na nagselyo sa panalo ng Perpetual Help.

Nalasap ng Generals, pinagbidahan ni rookie Maui Cruz na may 18 points, ang ikatlong sunod na kabiguan.

Nauna rito ay pinataob ng EAC Brigadiers ang Perpe­tual Help Junior Altas, 83-78, upang itala ang unang panalo matapos ang dalawang talo.

Iskor:

Unang laro (jrs)

EAC (83) – Boado 23, Ilustrisimo 14, Lozano 11, Sumagaysay 10, Sanosa 8, Balowa 8, Murillo 4, Pascual 3, Mejia 2, Encila 0, Quebral 0, Calara 0, Rivera 0

Perpetual Help (78) – Gallano 20, Galman 14, Coloma 8, Duka 8, Orgo 6, Galoy 6, Nunez 4, Defante 4, Bar-cuma 3, Kawamura 3, Romilla 2, Agbayani 0

QS: 25-17; 41-41; 59-61; 83-78

Ikalawang laro (srs)

Perpetual Help (76) – Charcos 22, Eze 15, Aurin 12, Peralta 11, Coronel 6, Razon 5, Cuevas 2, Pedrosa 2, Mangalino 1, Tamayo 0

EAC (74)  – Cruz 18, Garcia 17, Laminou 12, Natividad 10, Bautista 5, Diego 4, Mendoza 3, Gonzales 2, Robin 2, Tampoc 1, Magullano 0, Neri 0, Bugarin 0, Fuentes 0

QS: 20-17, 38-34, 56-57, 76-74

Comments are closed.