UPANG hindi gaanong maramdaman ng mga magsasaka epekto ng El Niño ay palalakasin ang paggamit ng sistemang “alternate drying and wetting technique sa mga lugar na nakakaranas ng lubhang tagtuyot.
Ito ay upang matiyak na magiging mataas pa rin ang food production sa bansa kahit umiiral ang dry spell dulot ng El Niño phenomenon.
Ayon sa pamunuan ng National Irrigation Administration, kumpiyansa ang ahensya na tataas din ang magiging ani sa bansa sa kabila ng matinding init ng panahon.
Ani NIA Acting Administrator, Eduardo Guillen, nagsasagawa na sila ng mga pagsasanay para sa Alternate Wetting and Drying technique na layong madagdagan pa ang mga irrigatable land na kanilang napatubigan.
Ang Alternate Wetting and Drying technique ay isa sa mga water-saving technologies na ginagamit ng Department of Agriculture para tulungan ang mga magsasaka na bawasan ang water consumption sa irrigated fields.
Sa kasalukuyan, sinisikap ng NIA na mapanatiling sapat ang suplay ng tubig sa mga irigasyon at sakahan sa buong Pilipinas sa kabila ng epekto ng El Niño phenomenon.
Inihayag din ni Guillen, nakapaghanda na sila kasama ang kanilang partner agencies ang mga hakbangin ukol sa posibleng magiging epektong dry spell sa bansa alinsunod na rin sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
VERLIN RUIZ