ALTERNATIVE SOURCES NG LANGIS PINAHAHANAP SA DOE

LANGIS-2

PANAHON na para maghanap ang Department of Energy (DOE) ng alternatibong pagkukunan ng langis at iba pang produktong petrolyo.

Ito ang naging reaksiyon ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at ng Iran.

Ayon kay Pimentel, dapat na seryosohin ng Filipinas ang isyu sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa lalo na’t ang Middle East ang pangunahing pinagkukunan ng oil products sa malaking panig ng mundo.

Sinabi rin ni Pimentel na dapat ding pagtuunan ng pansin ng DOE ang paglinang sa mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya dahil malaki ang maitutulong nito sa bansa.

“Dahil nga sa tensyon diyan ngayon sa Middle East, pagpatay ng top Iranian na military commander, siguro ang ating Department of Energy ay dapat umisip na ng new sources of oil muna. And then, seryosohin na rin natin ‘yong alternative sources of eneregy. Ano ba ang ibig sabihin ng alternative sources, ‘yon ‘yong solar, wind lahat po ‘yan dapat seryosohin na ang pag-develop, ang pagpalago ng enerhiya,” anang senador.

Idinagdag pa ni Pimentel na maaaring tingnan ng DOE ang ibang bansa tulad ng Russia sa paghahanap ng langis.

“’Wag nating isipin na malayo ang Russia dahil may parte ng Russia ang malapit. Mayroon kasing Asian Russia,” paliwanag pa niya.

Samantala, sinabi ni Pimentel na ­maaaring suspendihin ng pamahalaan ang panibagong fuel tax kung papalo sa mahigit 80 dolyar ang kada bariles ng produktong petrolyo sa tatlong magkakasunod na buwan.

“Dapat conscious ang gobyerno at tayong lahat na may meka­nismo diyan sa TRAIN law na kung lumagpas na ang average price ng krudo per barrel, puwedeng i-suspend na ‘yong pag-impose ng additional excise tax.’

Comments are closed.