ALVARADO MOST OUTSTANDING PROVINCIAL GOVERNOR

Alvarado

LUNGSOD NG MALOLOS – Ginawaran ng parangal si Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado bilang Most Outstanding Provincial Governor sa ginanap na 23rd Local Social Welfare and Development Officers (LSWDO) National Social Welfare and Development Forum and General Assembly sa Waterfront Hotel, Cebu City nitong Abril 24, 2019.

Kinilala si Alvarado dahil sa kanyang natatanging pagganap at pamumuno upang higit na mapaunlad ang mga programang panlipunan sa Bulacan. Ang kanyang hindi matatawarang pagsisikap upang suportahan ang lalawigan at mga mamamayan nito ay higit na nagpasigla sa kaunlaran at responsableng pamamahala.

Aktibong sinuportahan ni Alvarado ang kagalingang panlipunan katulad ng mga serbisyong medikal at iba pang mga programang pangkaularan na kabilang sa kanyang pitong puntong programa.

Kasama ni Alvarado, pinarangalan din sina Gob. Ramil Hernandez ng Laguna at Gob. Imee Marcos ng Ilocos Norte ng Gawad Parangal para sa Most Outstanding Provincial Governor.

Bukod dito, kinilala din si Mayor Jocell Aimee Vistan-Casaje ng Plaridel bilang hall of famer sa Search for Outstanding Local Chief Executives ng Gawad Parangal para sa Municipal Category ng 1st to 3rd Class habang pinarangalan si Mayor Ambrosio “Boy” Cruz, Jr. ng Guiguinto bilang Outstanding Municipal Mayor.

Samantala, ginawaran din ng parangal ang ilang retiradong Bulakenyo na naglaan ng kanilang oras sa paglilingkod sa kanilang mga kababayan kabilang sina Lourdes Pangan mula sa Paombong (42 years in service), Ladisla Felices mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte (42 years in service) at Carmelita dela Cruz mula sa Lungsod ng Meycauayan (35 years in service).

Ang Asosasyon ng mga LSDWDO sa Filipinas ay isa sa mga samahan na kumikilala sa natatanging pamamahala sa bansa. Kabilang sa mga pinararangalan sa kanilang taunang Gawad Parangal sa larangan ng kagalingang panlipunan ang Outstanding Local Chief Executives (Provincial Governor, City/Municipal Mayor) Local Social Welfare at Development Officers (Provincial/City/Municipal) at Local Chapter.

Mayroon ng mahigit na 50 chapters sa iba’t ibang lalawigan ang nasabing asosas­yon na kumikilala sa mga kontribusyon sa higit na ikahuhusay ng mga programang panlipunan.   A. BORLONGAN

Comments are closed.