PINANGUNAHAN kahapon ni Cong. Jonathan Alvarado (1st District, Bulacan) ang selebrasyon ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ng 117th Police Service Anniversary at tumanggap ng mga awards ang mga natatanging PNP units at personnel sa okasyong ginanap sa Open Parade Ground, Camp. Gen. Alejo S. Santos, Malolos City, Bulacan.
May temang “Pagbabago sa Hanay ng Pulisya Hatid ay Ligtas na Pamayanan Laban sa Korupsiyon, Krimen at Illegal na Droga,” pinangunahan ni Cong. Alvarado at P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan police director, ang pagkakaloob ng award sa mga natatanging yunit at personnel na nagpakita ng dedikasyon sa pagkakaloob ng maayos na serbisyo sa publiko para sa maayos na peace and order situation sa lalawigan.
Sinabi naman ni Cong. Alvarado, siyang Guest of Honor at Speaker sa okasyon, na ikinagagalak niya ang hindi matatawarang paglilingkod na ipinapakita ng ating kapulisan sa Bulacan partikular ang kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
Kabilang naman sa mga PNP personnel na tumanggap ng parangal sa selebrasyon ay sina P/Supt. Heryl Bruno, Best Senior Police Commissioned Officer; P/Chief Inspector Restituto E. Granil, Best Junior Police Commissioned Officer; SPO2 April Mae N. Salinas, Best Police Non-Commissioned Officer for Administration; SPO2 Arnulfo Hipolito, Best Police Non-Commissioned Officer for Operation at NUP Kristen de Castro, Best Non-Uniformed Personnel.
Kinilala ring Best City Police Station (CPS) ang Malolos CPS, Best Municipal Police Station (MPS) (Class A Level) – Baliuag MPS; Best Municipal Police Station (MPS) (Class B Level) – Paombong MPS habang ang pinagkalooban ng Special Unit Awards, Most Notable Accomplishment in the Campaign Against Illegal Drugs ang San Jose del Monte CPS (City Level), Bocaue MPS (Class A Level) at Balagtas Municipal Police Station (Class B Level).
Nanguna naman sa Crime Reduction and Solution ang Meycauayan CPS (City Level), Marilao MPS (Class A Level) at Paombong MPS (Class B Level) habang sa Exemplary Accomplishment in the Solution of Sensational Criminal Cases, muling nanguna ang San Jose del Monte CPS (City Level), San Rafael (MPS) (Class A Level) at Balagtas MPS (Class B Level).
Sa hanay ng Unit Recognition, nanguna ang Bulacan 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Branch (PIB), Bulacan Provincial Legal Office, Bulacan Provincial Internal Affairs Service, Bulacan Highway Patrol Team, Bulacan Provincial Crime Laboratory Office at Bulacan Criminal and Investigation Detection Team. A. BORLONGAN