ALYAS BIKOY HAWAK MULI NG PNP

Amador Corpus

CAMP CRAME – KINUMPIRMA kahapon ni Philippine National Police chief, Police General Oscar Alba­yalde na nasa kustodiya nilang muli si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  Director Amador Corpus, sa ginanap na pulong balitaan kahapon sa Camp Crame na  nagtungo si Advincula sa PNP noong Lunes, May 27 kasama ang kaniyang abugado,

Sinasabing hini­ling umano ni Advincula na mapasailalim siya sa protective custody ng PNP dahil sa banta sa kanyang buhay matapos ang kanyang ginawang pagbubulgar hinggil sa “Totoong Narcolist” video.

Sinabi ni Corpus na iniimbestigahan ngayon ng PNP ang mga salaysay ni Bikoy kabilang ang kaniyang mga inilantad noong humarap siya sa press briefing sa Camp Crame.

Ayon kay Director Corpuz, isasalang din umano si Bikoy sa threat assessment upang madetermina kung totoong may banta sa kanyang buhay .

Habang isasalang sa validation ang mga ­pangalang binaggit nito na may kaugnayan sa kanya inilabas na  video kabilang ang ilang pari, mga politiko at pribadong indibiduwal.

Sa ngayon, hawak ng Anti-Cyber Crime Group ng PNP ang cellphone ni Bikoy para sa cyber forensic at suriin ang nilalaman nito. VERLIN RUIZ

Comments are closed.