AMA NANG-HOSTAGE NG APAT NA ANAK

BULACAN- UMABOT sa mahigit 10 oras ang hostage taking sa isang subdivision sa Brgy. Pinagkwartelan, Pandi kahapon ng madaling -araw.

Sa report ni PLt.Col Alex Apolonio, isisilbi sana ng mga tauhan ng 2nd at 4th Manuever platoon ng Provincial Mobile Force Company ang Warrant of Arrest sa suspek na si William Domer, 53-anyos, na nauwi sa hostage taking ng tumanggi itong sumuko.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis nagsimula ang hostage-taking alas-5:00 ng hapon sa Willowbend Sabdivision sa nabangit na barangay kung saan tumagal ng hanggang alas-2:45 ng madaling araw.

Nabatid na bitbit ng mga pulis ang warrant na inilabas ni MTC presiding judge Vienvenido Binasa Almonte Jr. na may cc. no. 06-5026-21 sa kasong Act of Laciviousness.

Tumanggi umanong sumuko ang suspek at sa halip ginawa nitong human sheild ang apat nitong anak at may hawak pang itak, na nagbanta na tatagain niya ang mga anak.
Dahil dito tumagal ang negosasyon hanggang sa makakuha ng tiyempo ang mga pulis at pinaputukan ang suspek.

Agad dinala sa Rogaciano Memorial Hospital ang apat na magkakapatid para sa Medical examination habang dinala naman sa Bulacan Medical Center si William para lunasan. THONY ARCENAL

84 thoughts on “AMA NANG-HOSTAGE NG APAT NA ANAK”

  1. 670102 82564We dont trust this incredible submit. Nevertheless, I saw it gazed for Digg along with Ive determined you can be appropriate so i ended up being imagining within the completely wrong way. Persist with writing top quality stuff along these lines. 110782

Comments are closed.